Chapter 29

40 2 0
                                    

Umiiyak ang babae habang umiiling-iling ito. Dahan-dahan ako lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya.

"It's too late I can't save you anymore."

Napakunot ang aking noo at lumingon siya sa akin habang duguan ang kanyang leeg. Agad ako napasigaw.

•••

"Nesrin! Wake up!" Agad ako napaupo dahilan para mapahinga ako ng maluwag.

Panaginip lang pala.

That dream again. It's always her. May pinapahiwatig sa akin ang babae na iyon. Napatingin ako kay Gallen na ngayon ay may pag alala sa kanyang mukha.

"Did i... looks like having a bad dream?" I asked.

He slowly nooded dahilan para mapabuga nalang ako ng hangin.

"Ano bang panaginip mo?" Magsasalita na sana ako pero hindi ko mailabas sa bibig ko.

Tumingin ako sa kanya. Inosente lang itong naghihintay sa sasabihin ko pero mukhang ayaw kong sabihin sa kanya kung ano iyon.

"Nakalimutan ko eh."

Tinitigan niya pa ako ng matagal dahilan para mapalunok ako ng laway. Tumango naman ito. Mukhang naniniwala na siya sa akin.

Kahit ito hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya. May pumipigil sa akin na sabihin kay Gallen ang totoo.

•••

"Are you leaving?" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mata. "Can't you just stay here for a minute?"

Umiling lang ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Hinawakan niya ang pisnge ko.

"Babalik rin ako. I promise." Hinawakan niya ang kamay ko na nakadampi sa pisnge niya at pumikit ito para ramdamin ang kamay ko.

Bigla nalang sumeryoso ang tingin niya sa akin.

"But I don't want you to go." Napahinto ako sa kanyang sinabi.

Sa tono ng pananalita ay nakakatindig balahibo. Na para bang sa isang iglap, ibang Gallen ang nasa harapan ko.

"Gallen, I need to." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko dahilan para mapapikit ako sa sakit.

"Why are you always lying to me, Cal? It makes me go crazy." Mas lalo siyang lumapit sa akin.

Mas lalo rin akong kinakabahan but I tried to act that I'm not scared pero hindi talaga kaya. Kinakabahan at natatakot talaga ako.

"You're acting weird, Isaiah. Natatakot na ako."

"You know that I love you kaya inaabuso mo ako."

Umiling ako. Hindi iyan ang intention ko. I really love Gallen but i can't tell him my secret. Aware ako sa sarili ko na kasalanan ito pero mahal ko siya.

"No! That's not true!"

"It's the truth! Nesrin! You always hurt me everyday! And I can't let you go! Because I can't loose you again?!" Natigilan ako sa kanyang sinabi.

What? Again? What does he mean by that? Kilala niya na ba ako dati? O hindi kaya totoo talaga ang nakikita ko sa panaginip ko?

"Again? What do you mean, Gallen?" Natigilan siya sa tanong ko. "Did we met before? Kilala mo na ba ako noon pa lang?"

Hindi lang siya nagsalita at gulat lang na nakatingin sa akin. Napatango na lamang ako. I am really a bad person. So ito na pala ang mangyayari kapag nakuha ko na gusto ko.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko. I'm... i'm just tired."

Hinawakan ko ang kamay niya at malungkot na tumingin sa kanya. Hindi ko 'to deserve. I don't deserve to be happy. Tama nga sila salot lang ako.

"This is all my fault, Gallen. I'm sorry." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Halos hindi siya makagalaw dahil sa susunod kong sasabihin. Alam kong kinakabahan siya pero para ito sa ikakabuti namin. "I'm breaking up with you."

Nagulat siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at binitawan na ang kamay niya at agad na umalis.

Hindi pa man ako tuluyan nakaalis ay agad niya hinawakan ang kamay ko. At lumuhod. Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang ganito. He started crying at ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry! I didn't mean to!" Ramdam ko ang panginginig sa kanyang katawan at umiling-iling pa ito na halatang nagpapanic. "Please don't break up with me! Hindi ko kakayanin, Nesrin! I love you so much! I can't let you go! Please don't do this to me?!"

"Gallen, I'm sorry. Ang dami ko ng kasalanan sa'yo and I can't do this anymore." Tumalungko ako upang pantayan siya. "Please let me go already. Para rin ito sa ikakabuti mo."

Nagulat na lamang ako ng agad niya ako niyakap ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga ng maayos.

"No!" Mas lalo niya pa akong niyakap. Sobrang lakas niya na hindi ko na kaya siyang maitulak pa. "Hindi ako papayag! You're not breaking up with me!"

"Please, Gallen. Maawa ka sa sarili mo," malungkot kong sabi sa kanya.

"No! Maawa ka sa akin! I can't live without you, Nesrin! Hindi ko kayang mabuhay na wala ka!"

Umiling lang ako at umiiyak-iyak na. Grabe na 'tong nagawa ko sa taong na 'to. Hiyang-hiya na ako. Ang kapal ng pagmumukha ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Rinig ko ang kanyang hagulhol. Ayaw ko siyang makitang ganito. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko.

"No. I'm sorry." Agad ko siya tinulak at hindi ako nagdalawang isip na tumakbo na palayo.

•••

Isaiah clap his hands around me. Nung nalaman niyang break na kami ni Gallen sobrang energetic na niya ngayon. Mas lalo na niya ako pinipikon at super annoying niya.

"Stop with that smile, Isaiah. Nakakairita!" inis kong sabi sa kanya.

Pero parang nagtutukso ang kanyang mga tingin at mas lalo pa itong ngumisi dahilan para mapairap nalang ako. Broken nga iyung kapatid niya dapat damayan niya ako pero itong si mokong na 'to sobrang saya pa.

"I can't help it." He patted my head kaya mas lalong sumama ang aking tingin. Pero mas lalo lang itong nasayahan. "You really do a great job this time."

"Grabe ka naman sa akin kung makapagsalita ka parang wala na akong ginawang tama."

Uminom nalang ito ng kape dahilan para mapairap ako ulit.

Nights With YouWhere stories live. Discover now