Chapter 16

86 2 0
                                    

“Nothing change. You're always looking at me like that.” Nang mapansin ko ang mga titig ko ay agad ako umiwas. He chuckled.

“I'm sorry.”

“No it's okay.” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin. “I like it when you only look at me and nobody else caught your attention but only me.”

“What do you mean?” Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

Umatras na ito habang hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti sa labi niya.

“You see I'm a human too. Nagseselos ako sa tuwing nasa iba ang atensyon mo.” Hindi lang ako nagsalita dahil sa hindi makapaniwalang narinig ko. Nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita at gulat na gulat lang nakatingin sa kanya ay tumawa ito. “I'm just kidding.” Napabuga na lamang ako ng hangin. “Saan ka pala nakatira, Nesrin?”

“Pardon?”

“I mean—ang tagal na kasi tayong magkakilala pero kahit ni isa wala akong information galing sayo. You see, i'm interested in you and i'm dying to know what my love one's background. What she like and what she don't like.”

“Is the reason you love me because I'm pretty?” Natigilan siya sa aking tanong. mga ilang segundo pa ay hindi siya nakasagot sa tanong ko. Napatango na lamang ako dahil gets ko na kung anong sagot niya.

“It's not just about your face, Nesrin. I really love all of you. That means, I love you just the way you are.” But that doesn't change the fact the the  reason you're attracted to me is because of this face na hindi ko naman alam kong kailan mawawala.

“If anything happens to me? If i become Cal?” Mas lalo akong lumapit sa kanya habang seryosong nakatingin sa dalawang mata niya.

Mukhang naguguluhan siya sa tanong ko. Hindi man lang niya nasagot ng diretso ang simple kong tanong.

“Don't bother to answer it.”  I gave him a fake smile. “I'm sorry if it seems na pinipilit kitang sagutin ang tanong ko.

Malungkot naman itong nakatingin sa akin.

“Why, Nesrin?” Tumingin ako sa kanyang dalawang mata na puno ng kalungkutan. “Bakit ganun? Kahit anong gawin ko alam kong hinding-hindi ka ma pro-proud sa akin and even if I did my best to make you happy, parang hindi enough.”

“Pardon?” Gusto ko lang naman mahalin mo ako bilang cal at hindi bilang Nesrin. I want you to love me for who I am. “I'm sorry, Gallen.” Yumuko na lamang ako dahil ayaw kong makita niya ang lungkot na nararamdaman ko. Why am I like this? In the first place ako naman iyung nanloko sa kanya. Ano bang ini- expect ko?

“Ano bang gusto mo marinig sa akin, Nesrin?” Gulat akong napatingin sa kanya hindi inaasahan na tanungin niya sa akin iyan.

“What?”

“Alam kong may gusto kang marinig galing sa akin. Ano bang inaasahan mo, Nesrin?” Napakagat nalang ako ng labi.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi talaga ako si Nesrin at niloloko ko lang siya. Matatanggap niya kaya ako?

Stop! Please! Maawa ka sa sarili mo!

Natigilan ako ng marinig ko na naman ang boses ng babae na iyon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Akala ko ay tapos na ang pagiging baliw ko. Bakit naririnig ko pa rin ang boses ng babae na iyon? Napatingin ako sa paligid. Mukhang napansin naman ito ni Gallen dahilan para magtaka siya sa mga inasal ko.

“What's wrong, Nesrin?” Agad ako napalingon sa kanya.

Feeling ko talaga ako lang ang sinusundan ng babaeng ito at hindi haunted ang bahay ni Gallen. Ano bang kailangan ng babae na ito sa akin?

“Naririnig mo ba iyon?” Nangunot ang kanyang noo ng tanungin ko sa kanya iyon.

“What? Anong naririnig?”

“Iyung babae.” Kahit ako nagtataka sa nangyayari eh.

Para talaga siyang multo na hindi ako kayang tantanan. Nakakaloka! Ang dami talagang weird na nangyari sa buhay ko.

“What do you mean, Nesrin? Tayong dalawa lang naman ang nandito. Wala akong narinig na may nagsalitang ibang babae dito,” nagtataka niyang sabi.

Nababaliw na ba talaga ako? Ako lang ang nakakarinig sa boses na iyon. Ilang beses na talaga nangyari 'to. Hindi na normal.

“Are you okay, Nesrin?” he asked with a worried look.

I gave him a warm smile at tumango na lamang ako.

“I'm sorry pero kailangan ko na munang umalis may kailangan pa akong gawin.”

“Wag mo naman ako takasin this time.” I looked at his eyes full of  sadness while holding my wrist na para bang hindi niya talaga ako papakawalan.

“Recently...” Napabuntong hininga na lamang ako bago pakalmahin ang sarili ko. “Minsan may naririnig akong boses ng babae na para bang may pinapahiwatig siya sa akin”

“What is she look like?” he asked seriously.

I looked directly at his eyes seriously. Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

“She looks exactly like me.” Napaatras pa ito na para bang hindi ito makapaniwala sa narinig ko. Nag alala ako sa kanya baka lumayo siya sa akin dahil takot siya. “I'm sorry. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko.”

Tumalikod na ako at aalis na sana ako pero nagulat ako ng agad niya ako niyakap. I can feel his breath around my neck.

“I'm always here for you, Nesrin.” Mas lalo niya akong niyakap. “And please always remember this. I will never ever leave you even if its hell. No one can seperate me with you. I will always find ways to be with you.

He's acting weird. Nakakunot lang ang aking noo pero hindi ko nalang siya tinanong dahil baka mas lalo lang dadagdag ang problema ko.

•••

Habang naglalakad ako. I can feel someone's eyes looking at me like as if ako lang iyong tao dito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala namang taong nakatingin sa akin.

Ano bang iniisip ko? Sino naman ang titingin sa isang kagaya ko? Like heller! I am Calla Salli. Ang pinaka famous na panget na babae sa school na 'to.

Napabuga nalang ako ng hangin.

“Lumayo ka sa kanya.”

Napahinto ako at dahan-dahan tumingin sa kanya.

Nights With YouWhere stories live. Discover now