Chapter 26

80 3 0
                                    

Taka akong nakatingin sa kanya. Malakas ang kutob ko na may tinatago sa akin ang lalaki na 'to. Come to think of it, imposibleng wala siyang alam sa earrings na ito na galing ito sa bahay niya.

Ano bang tinatago ng lalaki na 'to sa akin?

“Are you hiding something from me?” wala sa sariling tanong ko.

“Pinagdududahan mo ba ako?” seryoso niyang tanong sa akin.

“Let me go.” Nang makita niya ang malamig kong titig ay agad niya ako binitawan.

Napaatras ako ng kunti. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. I know ayaw niya sa behavior ko pero ayaw ko rin sa kanya. 

“I'm sorry.”

Hindi nalang ako nagsalita at umalis nalang pero bago pa man ako makaalis ay tumingin ako sa itaas. Bakit parang gusto kong pumunta doon at tignan kung anong meron? Kinakabahan rin ako.

•••

Kinakagat ko ang kuko habang nakatingin sa blackboard. Hindi ako makatulog kahapon. Napanaginipan ko na naman ang babae na iyon.

“Ano bang kailangan ng babae na iyon sa akin? Hindi na normal na palagi ko nalang siya napapanaginipan.”

Mga ilang segundo pa ay may humawak sa balikat ko. I looked at him and saw Isaiah looking at me with a worried expression on his face.

“Are you okay?” Even if ang cold ng tingin niya sa akin ramdam ko naman na nag alala ito sa akin.

Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay niya at inalis sa balikat ko.

“I'm fine. You don't need to worry about me.” Tumayo na ako at umalis na lamang.

Habang ganyan kasi siya ay ang awkward kapag kasama siya. Ayaw ko na tuloy sumama sa kanya. Kahit wala siyang sinasabi sa akin alam ko ang dami niyang sekreto na tinatago sa akin.

•••

I looked at Gallen waving at me with a warm smile on his face. Lalapit na sana ako pero naalala ko ang nangyari kahapon. Napaatras ako kunti mukhang napansin niya iyon. Halata sa kanyang mukha na malungkot ito . Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na umalis.

Pumunta ako sa garden at umupo sa bench. Nakatulala lang akong nakaharap sa mga bulaklak.

“What are you trying to do, Cal?” Walang gana akong tumingin sa kanya.

Actually medyo nasanay na ako sa biglaan niyang pagsulpot. Umiwas ako ng tingin hindi ko nga alam kung anong gagawin ko, tatanungin pa ako.

“What will i do? I don't know yet,” walang gana kong sabi sa kanya.

I heard him heavily sighed at naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. Umatras ako kunti dahilan para matigilan siya.

“I know hindi ka komportable sa akin. Don't worry you won't see me next month.” Kumunot ang aking noo sa aking narinig.

“What do you mean na hindi na kita makikita?” I asked.

What is this feeling! Bakit nalulungkot ako na hindi ko na siya makikita ulit? Akala ko ba ayaw ko sa kanya? He smiled sadly dahilan para kumirot ang dibdib ko. Bakit ako nsasaktan? What's wrong with me?!

“I'll be gone like a bubble in next month.” Umiwas ito ng tingin.

Bakit parang kasalanan ko 'to? I can't imagine na mawawala siya ng dahil lang sa akin, parang pinatay ko na siya.

“Sorry.” Hindi lang siya nagsalita.

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang siya ay nakangiti lang sa mga bulaklak. Halata sa tingin niya na malungkot ito and he knows na hindi dapat siya nag e-exist dito sa earth. But he really wants to live. Bakit naiiintindihan ko siya?

•••

Muntik na ako mapasigaw ng hinawakan ni Isaiah ang wrist ko. Namilog ang aking mata na tumingin sa seryoso niyang mukha.

“Stop ignoring me, Cal,” seryoso niyang sabi sa akin. Binawi ko ang wrist ko at seryoso siyang tinignan.

“Then stop giving me a cold treatment, Isaiah. I don't get it why did you change your behavior when you know Gallen and I are dating?” I said while giving him a death stare. “When I asked you if you're inlove with me ang sabi mo hindi and hindi ka talaga mai-inlove sa akin kahit ano pang mangyari! What's wrong with you?!”

Bigla akong nakaramdam ng init ng ulo ng maalala ko ang treatment niya sa akin.

“Because I don't want to lose you.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. “I want you all by myself.”

“What? You're being ridiculous right now?” Umatras ako ng kunti naguguluhan sa kanyang inasta. Ang weird ng lalaking 'to.

“You know what I truly feel, Cal. Mahal na mahal kita.” Lalapit na sana siya sa akin pero agad ko siya tinulak.

“I don't feel the same, Isaiah.” Lumapit ako sa kanya para ibulong ito. “I already have a boyfriend.”

Nandilim ang kanyang paningin. Hindi ko siya kayang mahalin pabalik. I don't know why pero ayaw ko talaga. Isaiah is a nice and handsome guy and I know he can treat a girl well pero hindi ko talaga siya gusto.

“Mahal ko siya, Isaiah. Alam mo iyan.”

“I don't love you romantically, Cal. I love you as my sister.” Natigilan ako sa kanyang sinabi.

“What?”

“You're my long lost sister, Cal.” Halos hindi ako makagalaw dahil sa kanyang sinabi.

Is this true? Or nagbibiro lang siya? Come to think of it ampon lang ako. I'm not really Sally. Is Isaiah my real brother?

“Wala kang pruweba, Isaiah. Hindi porket alam mong inampon lang ako ay inisip mo na agad na kapatid mo ako.”

Hinawakan niya ang kamay ko habang may alalang tingin sa kanyang dalawang mata na dahilan ng pagkaba ng aking puso.

“Matagal ko ng alam, Cal. I have your dna test and you're really my long lost sister. I don't want to lose you anymore. Ngayon lang kita nakita ulit and I want to experience having you alone.” Hinawakan niya ang kamay ko. This is insane! “Please, choose me, Cal. Come back to me.”

Napailing na lamang ako.

•••

I looked at the moon and I heavily sighed. Nandito ako sa rooftop ng school. Nilalasap ang masariwang hangin. Ayaw ko muna umuwi ng bahay. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Bigla-biglaan din naman kasi.

“You must die.”

Nights With YouWhere stories live. Discover now