Chapter 30

53 3 1
                                    

"Miss ko na siya! Ilang days na siyang hindi pumapasok sa school! Huhu! My honeybunch!"

Kumunot ang noo ko ng may dumaan sa aking dalawang babae na sobrang lakas ng boses na parang aabot sa ibang building.

"Ano na kaya nangyari kay Gallen?"

Natigilan ako sa paglalakad at lumingon sa kanilang dalawa na tuluyan ng umalis. Napakagat nalang ako ng ibabang labi.

Agad ako inakbayan ni Isaiah dahilan para muntik na ako mapasigaw. Hayop na lalaking 'to!

"Ano na?! Aatakihin ako sa'yo eh?!" May nakita pa akong mga estudyante na napatingin sa amin dahil sa biglaan kong pagsigaw.

"Ito naman. Namiss lang kita eh."  Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Pwede ba layu-layuan mo muna ako? Nakakairita ka kasi." Napapout na lamang siya.

"Bakit naman hindi mo ba namiss ang gwapo mong kapatid?" he asked.

"Hindi! Nandito ka lang para pikunin ako eh! Mahal mo ba talaga ako?" He stopped when i asked him that question.

"What kind of question is that? Alam mo naman mismo iyung sagot sa mga tanong mo." Inayos niya ang buhok ko and he gave me a warm smile. "You're the only important person in my life."

"Sus." Iyan nalang ang nasabi ko.

Speechless ako eh. Parang obsessed sa akin iyung kapatid ko but I don't want to think bad about him.

•••

I looked myself at the mirror and I'm Nesrin again. Napabuga nalang ako ng hangin. I looked at the moon at napatulo ng luha. I miss him so bad. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

"Mababaliw na ako."

Napahiga nalang ako sa desk ko habang umiiyak. Naramdaman ko na may pumasok sa bintana dahilan para agad ako mapatingin sa kanya.

"Hindi ka ba nakokonsensya?" I looked at the mysterious guy na nakaupo na ngayon sa bintana ko.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. Tumayo ako at masama na nakatingin sa kanya. Is he here para kumbinsihin ako na maging Nesrin forever?

But i don't want to be the person i am right now. I know this isn't me at kapag ito man ang pipiliin ko. Alam kong wala itong magandang magagawa sa akin.

"Do you think it's easy for me to make a decision like this?" irita kong tanong sa kanya pero hindi ko pa rin mapigilan na tumulo ang luha ko.

"You know from the start what will happened but you continue to follow your goals. You're selfish," cold na sabi niya.

Hindi nalang ako nagsalita kasi totoo naman. I was selfish. I just want to experience being love by Gallen pero sa tuwing magkakasama at makikita ko siyang ganyan. Mas lalo lang akong naaawa. Feeling ko masama na akong tao. Umupo ako sa upuan ko at tumingin sa kawalan.

"You're right. I don't deserve to be happy."

Wala nga akong ginawang tama. Sinabihan na ako noon ni Isaiah pero nakinig lang ako sa feelings ko ni hindi ko man naisip kung anong mangyayari kay Gallen.

"Aren't you curios?" Lumingon ako sa kanya at namilog ang aking mata ng seryoso siyang nakatingin sa akin. Like i did really something terrible. "Kung anong impact sa kanya ang nagawa mo?"

Kumunot ang aking noo na nakatingin sa kanya. Ganun pa rin ang kanyang tingin sa akin. As if na masama talaga akong tao. Naintindihan ko naman kahit ako ay nakikita ko ang sarili ko as a bad person.

"Anong ibig mo sabihin?" Halos hindi ako makagalaw dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Sobrang nag alala ako kay Gallen halos mabaliw na ako kakaisip kung ano na ang nangyari sa kanya.

Pero imbes na sumagot ito ay bigla nalang ito naglaho na para bang bola.

•••

Agad ko kinuha ang coat ko at agad tumakbo palabas. Ni hindi na ako nagpaalam pa kay Isaiah. Tanging iniisip ko lang ay ang kalusugan ni Gallen.

Nang makarating na ako sa bahay nila galing sa pagtakbo ay agad ako kumatok sa pintuan pero wala ni isa ang sumagot kaya pumasok na ako. Mabuti naman at bukas ito.

Nakakatakot na tignan ang bahay niya na para bang nababalutan na ito ng kadiliman. Bigla akong nakaramdam ng takot na para bang ang daming mga mata na nakatingin sa akin. Napalunok nalang ako ng laway ni walang lumabas na salita sa aking bibig.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang nilibot kp ang paningin ko sa paligid. Kahit gusto ko pa man magsalita ay hindi ko magawa dahil sa takot na nararamdaman ko.

"No! I won't fail again! I won't fail this time! I've done so many things! I even sacrifice my soul and waited for years para lang makasama siya!"

Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa narinig ko. I can't believe na narinig ko iyon. Is this even true?! Umiyak lang ito ng umiyak na para bang baliw.

"Please! Damn it! Don't take her away from me! I've sacrifice many things!"

Napaatras nalang ako. What did he mean by that? Anong sinakripisyo niya? Agad ako umalis sa kinatatayuan ko bago pa niya ako mahanap. Napahinto ako sa paglalakad when I saw a red door like a blood na nakaagaw ng atensyon ko. I don't know bakit hindi ko maalis ang katawan ko sa pintuan na iyon na para bang gusto ko talaga pumasok.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinawakan ko ang doorknob. I open the door without hesitation at pagpasok ko palang biglang nanindig ang balahibo ko.

"What is this feeling?" nagtataka kong sabi sa sarili ko. Niyakap ko ang sarili ko at hindi pinansin ang takot na nararamdaman ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad at padilim ng padilim ang paligid. Napahinto ako sa paglalakad mukhang ayaw ko ng magpatuloy pa pero may parang bumubulong sa akin na magpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating na ako sa parang may kabaong ay napahinto na ako sa paglalakad at tinignan ito ng maigi. Nababaliw na talaga ako pero agad ko inopen ang kabaong at napatakip nalang ako ng bibig ng makita ang bangkay na buto nalang pero nakasuot ito ng white dress at may naiwan pang blonde na buhok.

"No way."

Nights With YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora