Chapter 10

92 7 0
                                    

"Anong totoo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Alam kong may tinatago ka sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko. "You can tell me everything, Nesrin."

"What if panget ako? Matatanggap mo ba ako?" I asked.

Natigilan ito sa tanong ko. Napatawa pa ito habang nakakunot ang noo.

"What are you talking about?" Natawa pa ito na para bang imposible paniwalaan ang tanong ko, para bang joke lang ang lahat ng 'to sa kanya. "Hindi naman iyan mangyayari. Hindi ka panget, okay? Maganda ka, Nesrin. Kahit pagbaliktarin pa natin ang mundo. Ganyan na ganyan na talaga ang hitsura mo. Pinagkakaguluhan ka na nga ng mga tao dahil sa mukha mo." Hinawakan niya ang balikat. "Hindi ka panget, okay? Kung sino man ang nagsabi no'n baliw siya."

Hindi mo naintindihan. Hinding-hindi mo ako maintindihan.

•••

"Hoy!" Walang gana akong napatingin sa kanya dahilan para mawala ang ngiti niya.

"Ano ba iyan? Para ka namang araw-araw namatayan." Napakamot nalang siya sa batok niya.

"Patay na ako." Walang gana kong nilagay ang ulo ko sa desk ko.

"Pfft! Mukha ka na tuloy matanda. Palagi ka nalang kasing malungkot." Napailing-iling pa ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sus! Ang sabihin mo panget talaga ako." Tumawa lang ito at umiling-iling.

Tsk! Hindi man lang dineny.

"Ikaw lang ang nagsabi niyan." I just rolled my eyes.

Palagi nalang talaga ako inaasar ng lalaking 'to. Pag hindi na ako nakapagtimpi, masusuntok ko na talagang lalaking 'to.

"Umalis ka sa harapan ko nanggigigil ako sa'yo."

Pero bago pa man siya umalis ay ginulo niya ang buhok ko at tumakbo na siya palayo.

Bwesit talaga ang lalaking 'yon. Gwapo na sana. Hindi lang bagay sa kanya ang personality niya. Napalingon ako kay Gallen na naglalakad habang may hawak na libro.

Bakit ba kasi nagkagusto ako sa lalaki na iyan? Umiling na lamang ako.

•••

Habang naglalakad ako. Nakatingin sa akin ang bata habang tinuturo ako. Hinila naman siya ng mama niya.

"Mama! Ang panget niya." Napahinto ako sa paglalakad sa narinig ko.

Nakatingin lang ako sa sahig habang paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi ng bata.

Kapag panget talaga, hindi ka na talaga rerespetuhin ng iba. Only the attractive ones they accept and not the ugly ones.

They always treat us like we're not a human. Nagulat na lamang ako ng hinawakan ni Isaiah ang kamay ko habang matamis na nakangiti sa akin. Para bang nag slowmo ang paningin ko.

"Isaiah?" nagtataka kong tawag sa pangalan niya.

"Hi!" masigla niyang pagbati sa akin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at ito naman si tukmol nag wink lang sa akin.

"What the hell are you doing here?" Napabuga lang siya ng hangin.

Nights With YouWhere stories live. Discover now