Chapter 13

101 2 0
                                    

“As I said you're not...” I just rolled my eyes kaya hindi na niya tinuloy ang sinabi niya. Alam din naman niya na hindi ako maniniwala.

“Sabihin nalang natin na maganda ako sa paningin mo. But billions of people think I'm ugly, Isaiah. So stop it.”

“Importante ba ang iniisip ng mga tao, Cal?” he asked. 

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hinawakan niya ang kamay ko. Kahit hindi niya sabihin alam ko ang pinapahiwatig niya.

As long as that person thinks differently. People's opinion doesn't matter.

“Yes.” Mukhang nadismaya siya sa sinabi ko. “I want to feel loved, Isaiah. Even my family doesn't love me.”

Yayakapin na niya sana ako pero agad ako napaatras. Mukhang nagets niya ang gusto ko. Ayaw kong yakapin ako. Baka mas lalo lang lumala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

•••

I checked my wrist watch and it's 6 pm again. I heavily sighed I'm so tired of hiding.

Nagulat na lamang ako ng bigla nalang may yumakap sa likod ko. I took a glance at him at nagulat na lamang ako sa nakita ko.

“Gallen? How?”

“I miss you, Cal.” kumalas siya sa pagkakayakap at humarap sa akin habang malungkot ang kanyang mata na nakatitig sa akin. “Bakit hindi ka na nakikipagkita sa akin? Don't tell me? Kinalimutan mo na ako?” Napapout ito. Hindi ako makagalaw. Ewan ko ba pero bigla nalang ako natakot sa kanya. What is this feeling? Nalilito na ako. “Hindi mo ba ako namiss? Or may iba ka ng inaasikaso?”

“What?”

He just looked at me for a second and smile warmly. 

“Nagbibiro lang ako. Sino ba naman ako para piliin mo diba?” Natigilan ako sa kanyang sinabi. He touch my hair at hinaplos-haplos ito. “I just miss you so much, Nesrin. Bakit mo nakalimutan dalawin ako?”

“I-i'm just busy,” ani ko.

He just smiled at me na para bang hindi siya naniniwala sa akin. Naglakad na ako at sinundan naman niya ako.

“Kamusta ka na pala?” he asked.

“Okay naman.”

“You're lying.” Agad ako napalingon sa kanya.

“Pardon?”

He just smiled warmly at napatingin sa buwan.

“You don't need to lie to me, Nesrin. You can tell me anything.” Why does he think I'm lying?

Napakunot ang noo ko pero mukhang napansin naman niya ito. He's acting weird.

“Okay naman talaga ako. What do you mean, Gallen? Is there something you know na hindi mo sinabi sa akin?” Palihim ko siyang pinanliitan ng mata. 

Umiling naman siya, “Wala. I just really miss you, Nesrin. I hope hindi mo ako kalimutan. Alam ko naman na mahal mo ako. Alam kong hindi mo ako ipagpapalit sa iba.”

•••

Nakakunot pa rin ang aking noo na iniisip ang nangyari kahapon.

“Ayan na naman siya nakatulala na naman.” I just rolled my eyes when I hear his voice. Kahit sa bahay nila eh wala akong peace na makikita.

Kung hindi niya naman ako pinipikon ang dami naman niyang chika. Wala ngang oras na hindi kami nag uusap eh. Pati nga sa pagligo ko, nasa labas siya ng cr chinichika niya sa akin ang buhay niya.

Napahilot nalang ako sa sintido ko ng maisip ko na naman ang nangyari. Jusko! Ano bang nakita sa akin ni Isaiah at dikit na dikit siya sa akin.

“Dong, magkasama naman tayo sa bahay. Pwede ba lubayan mo naman ako?!” irita kong ani sa kanya.

“Ayaw ko.” Nag puppy eyes naman siya sa akin. “Ganyan ka ba magtrato sa taong tunay na nagmamahal sa'yo?”

Napangiwi nalang ako sa inasta niya. Nakakasuka siya tignan. Napailing na lamang ako at umiwas ng tingin. Hindi ko na talaga keri siya tignan.

•••

Dahan-dahan lang ako naglalakad habang lumilipad ang utak ko. Wala na talaga akong magandang nagawa sa buhay ko. Hindi pa nga ako nakakagraduate pero mukhang masisira na ang buhay ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Gallen na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa bintana. He looked at me at sumasabay ang buhok niya sa hangin. Shit! Ang gwapo talaga ng lalaking 'to!

Sa isang iglap nadulas nalang ako at nasa hagdan pa talaga ako. Anak ng—napapikit na lamang ako sa katangahan ko at hinintay na ang kamatayan ko. Nagulat na lamang ako ng niyakap ako ni Gallen habang gulat na gulat.

“What are you doing?” Kahit kalmado ang kanyang boses. Halata naman sa tono ng pananalita niya na galit ito.

“H-hindi ko sinasadya. Nadulas ako.” Bumuntong hininga ito at binitawan na ako. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa at parang kinakabahan ito.

“Mag ingat ka palagi, Cal. Don't make me worried. Sige ka mababaliw ako kakaisip sa'yo.”

“I'm sorry.” Tumango na lamang ito at umalis.

Is he worried about me? Kumunot ang aking noo habang pinanliitan siya ng mata.

Hindi naman ako importante sa kanya and alam kong iniiwasan niya ako. So ano naman kung mapahamak ako?

Is he giving me mix signal or sadyang assumera lang talaga ako? Napailing na lamang ako sa naisip ko.

“So naka decide ka na ba?” I looked at him gulat na gulat. Hindi inaasahan na pupunta siya dito.

“Y-you know me?”

“Akala mo ba nagbibiro ako?” natatawa niyang tanong.

“I don't know yet.” Nawala ang kanyang ngiti dahil sa sinabi.

Medyo natakot ako sa reaksyon ng kanyang mukha. Nakatingin lang ito sa akin na para bang pilit binabasa kung ano ang nasa isip ko. Umiwas lang ako ng tingin dahil naiilang ako.

“You should decide now. You're running out of time.” Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

“What do you mean running out of time?” He just smirked dahilan para mas lalo akong kabahan.

“You know there is no permanent in this world, right?” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Hindi ka magiging Nesrin forever. Darating ang panahon mawawala sa'yo ang earrings na iyan.”

Napahawak ako sa earrings na suot ko. Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Takot, kaba, nagtataka, lungkot. Halos lahat na 'ata ng negative emotion ay naramdaman ko na. Paano nalang kung hindi na ako maging Nesrin? Ganito nalang ba ako habang buhay?

Tinadhana ba talaga ako magkaroon ng malas na buhay?

Nights With YouWhere stories live. Discover now