Chapter 4

113 8 0
                                    

Hinawakan ko ang sarili kong mukha sa salamin. Nandito ako sa school. I wear our uniform. Ang ganda-ganda ko talaga.

Sana ganito nalang ako kaganda habang buhay?

“Do you really want to be permanently beautiful?” Agad ako napalingon sa lalaking nagsalita.

“Who are you?” I asked habang nakakunot ang noo.

Nakasuot siya ng full mask. Iyung mata niya lang nakikita ko. Red eyes... At nakasuot din siya ng black na blazer at black pants.

“That's not important at all, princess.” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok na agad ko naman sinampal ang kamay niya.

“Wag mo akong hawakan.” Ewan ko ba pero hindi ko siya nagugustuhan. Masama ang kutob ko sa lalaking ito.

“Oh... I see—you don't like me.” He smiled playfully. “Ninakaw mo lang naman ang earrings na iyan.” Hinawakan niya ang earrings na suot ko at sinamaan ko lang siya ng tingin. “It's not really yours in the first place.”

“Bakit alam mo 'to?” Tumawa lang ito at sinamaan ko siya ng tingin.

“Of course! Alam ko 'yan. Kasi pagmamay ari iyan ng taong pinakamahalaga sa akin.” Mas lalo siyang lumapit sa akin. “I will see you again, princess.”

“I didn't mean to steal it.” Kumunot ang aking noo na pilit inaalala ang nangyari. “Kusa nalang gumalaw ang katawan ko at kinuha ang earrings na 'to. Simula ng sinuot ko ito hindi ko na matatanggal kahit anong pilit ko.”

Napahinto siya ng marinig niya ang sinabi ko. 

“What did you say?” Mukhang hindi niya alam 'to. Akala ko ba alam niya lahat?

“Narinig mo naman ako diba? Kusa nalang gumalaw ang katawan ko.” I rolled my eyes and shake my head at disbelief. “Kung ayaw mo naman maniwala edi wag. Hindi naman kita pinipilit eh!”

Umalis na ako pero ramdam ko pa rin ang kanyang titig sa akin. Alam kong curios siya sa akin pero feeling ko mas better if hindi na ako lumapit sa kanya. Masama talaga kutob ko sa lalaki na 'yon.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Gallen na nakatingin sa bintana habang sumasabay sa hangin ang kanyang buhok. Napansin niya yata ang presensya ko upang lumingon siya sa akin. 

“Nesrin?” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti ng tawagin niya ako sa pangalan ko. “Akala ko hindi ka na babalik dito.”

“At bakit naman ako hindi babalik?” Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. “Wala naman ibang nakakakita sa akin dito kundi ikaw.”

“Bakit ayaw mo bang pagkaguluhan ka?” Napahinto ako sa kanyang sinabi.

Gaganda lang naman ako kapag gabi na eh. Babalik din ako sa dati kong itsura kapag sumikat ang araw.

“Ayaw ko.”

“Why?”

“Kasi hindi dapat ako nag e-exist dito in the first place,” bulong ko.

“What?” Lumingon ako sa kanya at halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nagtataka ito. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti at umiling.

“Wala. Basta.” Nagsimula na akong maglakad.

“Hindi kaya multo ka?” Napatawa nalang ako sa tanong niya.

“Sa ganitong itsura? Multo?”

“So makakalabas ka dito sa school na 'to?” Kahit nagtataka man ako ay sinagot ko nalang ang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango dahilan para mapangiti ito. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at humarap sa akin. “Will you go out with me?”

Hindi ako makagalaw sa narinig ko at namilog ang aking mata.

“What?” Mukhang napansin niya yata ito.

“I mean... Pwede ba kitang makasama sa labas? Gala tayo.” Ah yun naman pala, nag expect pa ako.

Napangiti na lamang ako, “Sure.”

Hinawakan niya ang kamay ng hindi ko inaasahan at tumakbo na siya habang nagpahila lang ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala akong nakatingin sa kanya.

No wonder nagkagusto ako sa lalaking 'to.

“Nakapunta ka na ba dito?” he asked.

Napalingon ako sa fountain at mga grass at kahoy.

“Yes.”

“Bakit hindi kita nakikita sa umaga?” he asked. Natahimik lang ako. “I mean, I've been looking for you everywhere.”

“H-hindi kasi ako mahilig sa may araw.” Mukhang hindi niya inaasahang ang sinabi ko.

“Kaya pala sobrang puti mo na halos parang wala ka ng dugo,” ani niya.

I chuckled, “Speak for yourself.”

Eh ikaw nga 'tong nagmumukha ng bampira dahil parang wala ka na talagang dugo. 

“Magkita tayo bukas.” Napahinto ako sa kanyang sinabi.

“Huh? Bakit naman?” Ngumiti lang siya dahilan para mapairap ako habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “Sus, ang sabihin mo mamimiss mo lang talaga ako.”

Tumawa lang ako kahit nahihiya na ako sa mga sinasabi ko.

“Oo, tama ka.” Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin parang tumigil 'yong oras ko sa narinig ko. Tanging ang lakas ng tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. “Kahit mawala ka lang saglit agad kita mamimiss.”

Hindi lang ako nagsalita at umiwas ng tingin. Alam kong pulang-pula na ang pisnge ko kahit hindi ko nakikita ang sarili ko.

•••

“Bakit hindi mo siya lapitan?” Lumingon ako kay Isaiah. Walang gana naman akong bumalik ng tingin kay Gallen.

“Para saan pa?” walang gana kong tanong.

“Kaysa naman nakatingin ka lang dito sa malayo,” ani niya.

“Ganito na talaga role ko sa buhay, Isaiah. Ang tignan ang taong mahal ko sa malayo.” Napabuga nalang ako ng hangin at tinanggal na ang tingin kay Gallen. Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ang the way na titig niya sa akin. “Don't you dare maawa sa akin. Sisipain kita hanggang mars!”

“Oh kaya mo?” natatawa niyang tanong.

Binatukan ko siya kaya agad naman siyang gumanti. Binatukan niya rin ako kaya agad ko siya hinabol.

“Lagot ka talaga sa akin kapag nahabol kita!” inis kong sigaw sa kanya.

•••

Nang matapos na ang klase ay agad na ako lumabas. Alam ko kasing hahanapin ako ni Gallen. Mas mabuting makita niya ako as Nesrin kaysa makita niya ako as Cal.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko siya. Nakatingin siya sa akin pero nagulat ako ng umiwas siya ng tingin at naglakad palayo.

Ewan ko pero parang biglang nawasak ang puso ko ng iniwasan niya ako. Akala ko makakayanan ko... Hindi pala.

Nights With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon