Chapter 11

80 6 0
                                    

Napapikit lng ako habang nilalasap  ang masariwang hangin. Kinuha ko ang maliit na bilog na salamin sa shoulder bag ko at napatingin sa magandang mukha na nasa repleksyon ko.

Kailan kaya ito matatapos?

“Why can't I be her forever?” mahina kong sabi sa aking sarili.

'Pagsisihan mo iyan.'

Napalingon ako sa likod ko at may nakita akong lalaking naka mask na black habang naka hoodie na black.

“Do you want to be Nesrin forever?” Napakunot ang aking noong nakatingin sa kanya.

“Who are you?” I seriously asked.

“That's not important.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Answer my question.”

“Is it that obvious?”

He smirked. Ewan ko ba pero hindi maganda ang kutob ko dito para bang may masamang mangyayari.

“I know how to make your face permanent.”

“Really?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Niloloko mo lang ako eh.”

He just smiled at bigla nalang bumukas ang pinto at sa isang iglap bigla nalang siya nawala.

Napakunot ang noo ni Isaiah ng makita ako dito sa rooftop. I just rolled my eyes at him. Bakit ba palagi nalang kami pinagtagpo ng lalaking 'to?

“Why the hell are you here?” seryoso niyang tanong. Hindi lang ako nagsalita at akmang lalagpasan na siya pero nagulat na lamang ako ng hinawakan niya ang wrist ko. “Tinatanong kita, babae.”

“Ano naman sa'yo kung nandito ako?” Sinamaan ko siya ng tingin.

He just smirked. Why is this guy hates me so much?

“Sinasabi nilang lahat na anghel ka. Ang bobo naman nila para maniwala sa mala anghel mong mukha.” Inirapan ko lang siya.

“Why do you hate me so much?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Wala naman akong ginawang masama sa'yo.”

“Why? Do you expect me to love you? Hindi lahat ng tao gusto ka, Nesrin.” Natigilan ako sa kanyang sinabi.

“How do you know my name?”

“Actually, nakita ko kayong nagkikita ni Gallen. You know my bestfriend likes him, right?” Natigilan ako sa kanyang sinabi. “Do you love that man?”

“Yes.”

Natigilan siya sa sinabi ko at mukhang nagalit siya ng malaman niya ito.

“Ayaw kong masaktan ang bestfriend ko sana wag niyo nalang ipakita sa kanya.”

“Bestfriend?” Ha? May kaibigan ba 'to? Char.

“Her name is Calla. She's so precious to me. So I don't want to see her crying because of you two.” Tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

“Calla Sali? The girl with an ugly face?” paninigurado ko.

Mas lalo naman nagalit ito base sa ekspresyon ng mukha niya.

“Don't call her that.” Mas lalo siyang lumapit sa akin dahilan para makaramdam ako ng takot. “She's better than you?”

Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba pero bigla nalang ako nakaramdam ng inis.

“What? She's better than me? Saan?” Natawa nalang ako sa naisip ko.

Parang gusto niya ako patulan pero pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil babae ako.

“Sa ugali mo palang. Hindi ka na kalahati sa kanya.” Hindi na siya nagsalita pa at umalis nalang.

Ano bang nakita niya sa akin na wala kay Nesrin?

•••

“Pambihira naman, Cal! Alam ko naman na gwapo ako pero wag mo naman ako titigan ng ganyan. Kahit hindi ako natunaw, feeling ko natutunaw na ako eh.” Bigla nalang ako nabalik sa realidad.

Lumapit ako sa kanya habang pinanliitan siya ng mata. Halata naman sa reaksyon niya na kinakabahan ito.

“Ang hangin mo.”

“Thank you.”

He winked at me dahilan para mapangiwi ako.

“May crush ka lang sa akin eh.” Natigilan siya sa sinabi ko at napatawa nalang ako. “Bakit totoo?”

Umiwas ito ng tingin at tumikhim. Hindi ko nakita ang mukha niya kasi nakatalikod siya. 

“Pelingera ka talaga. Never ako magkakagusto sa isang kagaya mo kasi—”

“Panget ako?” Hindi lang siya nagsalita at napahinto lang ito.

Dahan-dahan naman akong napatango. Hanggang sa Cal pa rin ang mukha ko, panget ang pagtingin ng mga tao sa akin.

Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.

“You're not ugly.”

“Ako pa talaga niloloko mo,” walang gana kong sabi sa kanya.

“Loko ka pala eh! Edi wag ka maniwala!” I rolled my eyes at napabuga ng hangin.

“Hindi talaga ako maniniwala.” Umiwas nalang ako ng tingin.

All my life binully ako dahil lang sa mukha ko. Pati iyung magulang ko ay hindi matanggap na anak nila ako dahil lang din sa mukha ko.

Kaya hindi niya ako ma bla-blame if hindi ako naniniwala sa kanya.

•••

Napaupo ako sa bench ng garden habang nakatingin sa mga bituin. Hindi man lang ako hinanap ng mga magulang ko. Ayaw ko rin umuwi kasi alam ko naman kung anong mare-receive ko.

“Sana pala naging si Nesrin nalang ako in the first place.”

“You will regret it...” Lumingon ako sa lalaking nakatakip ang mukha. Bakit niya ba tinatakpan ang mukha niya. “Kung padalos-dalos ka.”

Kumunot ang noo ko, “Ikaw na naman.”

“Wag mo naman ipahalata na ayaw mo akong makita,” natatawa niyang sabi.

I just rolled my eyes at him. Ito talagang lalaki na 'to ang dahilan kung bakit naguguluhan ako sa buhay ko. Feeling ko talaga kasalanan niya lahat ng 'to. He's the reason bakit na experience ko 'to.

“Alam mo naman pala na ayaw kitang makita. Then, why are you here?” mataray kong tanong sa kanya.

“Because you need me.” Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“What? Hindi kita kailangan no?! Kailan ko pa sinabing kailangan kita?!” irita kong ani sa kanya.

“Hindi mo man sinabi gamit ang iyong bibig, your heart speaks.” He heavily sighed habang may pailing-pailing pa. “Don't lie to me, Cal. It's obvious what you like.”

“I know. But why do i feel like this is not a good idea... parang may mali eh” nagtataka kong sabi sa kanya.

“Ikaw lang ang makakaalam niyan, Cal.”

Magsasalita na sana ako pero bigla nalang siya nawala. Napabuga nalang ako ng hangin at napailing. Tumingin ako sa langit.

“It's all to me to decide, huh?”

•••

“No! Don't do it! Please!  You can't do this! Don't let him trap you in the cage forever!”

Nights With YouWhere stories live. Discover now