Chapter 15

7 1 0
                                    

Condo

Hindi ako makahinga, gosh! Totoo ba talaga 'yung nangyari sa amin? Hindi ako makapaniwalang ginawa namin 'yon. Lasing pa si Ram nung ginawa namin, masama na ba ako?

"Anong problema?" tanong ni Jane habang nag-aayos siya ng mga damit niya. Nakahiga pa rin ako a tila tulala sa mga nangyayari. Nilapitan ako ni Jane at sinalat ang aking leeg. "Anong nangyari sa 'yo? Kanina ka pa ganyan, natatakot na ako ah..." sagot nito.

"W-wala..." sabay talukbong ng kumot. Pilit na kinuha ni Jane ang kumot sa akin at nang makita ko siya ay may halong ngisi na ito.

"Anong nangyari sa inyo? Did you two have---"

"No! Wala!" sigaw ko na agad. Buti na lang wala sila Shai dito, kung hindi maririnig nila lahat ng pinag-uusapan namin.

"Oh e ano nga? Nakakatakot ka e, kanina ka pa ganyan simula pagkagising mo... buti na lang talaga hindi malala ang hang over ko..." sagot nito, at salamat na lang hindi na rin ako tinanong pa.

Nang makababa kami ay nakita ko si Ramiro, humihigop pa ito ng kape habang nakatayo sa sink in at nakapiko ang kaniyang mga paa. Dumaloy ang kaba sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagkailang, naalala niya ba? Oh baka hindi? Kasi lasing siya so hindi niya na siguro naalala. Ang ibang pinsan ni Ramiro ay naligo sa dagat, hindi ko na rin nakita si Ivan so naligo rin siguro sila.

Habang pababa ako ay sumusunod ang tingin niya sa akin, basa ang kaniyang itim at malulusog na buhok.

"Jane..." tawag ko. Tumingin siya sa labas.

"Hoy, baby Trey, hintayin mo ako!" sigaw ni Jane sa kaniya habang naliligo sila Kuya Trey sa dagat. Hindi na nito hinintay ang kaibigan ko at patuloy lang sa paglangoy. Kaming dalawa lang ni Ram ang naiwan dito. The silence is giving.

Bumaba na rin ako para magkape, tumingin ako rito at nakitang pangalawang baso ang tinitimpla ni Ram sa akin.

"Magtitimpla rin ako ah..." sagot ko. Tumango lamang ito at tinimplahan na ako, kinuha niya ang pangalawa at nilapag sa lamesa kung saan ako nakatapat.

Bakit hindi nagsasalita si Ram? Don't tell me hindi niya naalala ang nangyari sa amin kagabi? Hindi ba?

Tumingin ako sa kaniya, nakita ko ang kaniyang dalawang tengang namumula pababa sa kaniyang leeg. Kaagad kong sinalat ang kaniyang leeg, nabigla si Ram sa ginawa ko at parang napaso.

"May lagnat ka ba? Nilalagnat ka?" nag-aalalang tanong ko.

"Uhm, nothing."

"You're blushing right now, I can see it..." sagot ko. Tumingin ito sa akin nang may pagtataka, walang sinasabi ang kaniyang labi. "Siya nga pala, natandaan mo 'yung nangyari kagabi?" napabuga ito ng kaniyang kape at dali dali akong pumunta sa kaniya at punasan siya. "B-bakit?" nagtatakhang tanong ko.

Pinigilan niya ang aking kamay at matamang nakatingin sa akin.

"H-ha? Anong nangyari?" maang niyang tanong.

"Hindi mo maalala?" nadisappoint ako ron, hindi niya maalala? Talaga ba! Sinamaan ko siya ng tingin. Ako lang ba ang nakaalala sa ginawa namin? Nag-iwas ng tingin ito at hindi na lang pinansin ang tinanong ko.

"I am drunk, ano bang nangyari sa atin?" he asked it innocently.

"Huwag na, diyan ka na muna... mags-swimming na ako ron..." iniwasan ko ang titig niya sa akin. Kaagad akong nalungkot, ang ibig sabihin hindi niya maalala ang nangyari sa amin kung ganon? Ako lang pala ang nakakaalala kung ganoon.

Hinigit niya ang aking kamay at gulat akong tumingin sa kaniya. Pinabalik niya ako sa upuan.

"Tell me, anong hindi ko maalala?" tanong nito sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Bakit ko pa sasabihin sa kaniya? Ako pa talaga ang tinanong.

Young Love #1: It's Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon