Chapter 12

6 1 0
                                    

12

"Rory, tulungan na kita riyan..." presinta ko. Kanina pa siya naglilinis dito sa resthouse ng Selguero, hindi ba siya napapagod?

"Maam, kaya ko naman po," aniya.

"No, it's okay magaling naman ako rito..." sabay ngiti at nahihiya naman itong tumango. Nakita ko siyang nagbigay ng espasyo sa akin para makatulong, namumula ang pisngi nito habang tinutulungan ko siyang maghugas ng pinggan.

Ang iba pa ay tulog kaya kaming dalawa lang ni Rory rito sa kusina.

"Can you teach me?" I asked.

"Maam, ayos lang ho."

"No, don't call me Maam... I'm fine with Xy... that's my nickname," sagot ko sa kaniya at tumango na lamang ito. It's fine for me to call my nickname or real name, hindi naman sila naiiba sa amin.

"Rory, do you have a crush on Dwight?" tanong ko agad. Her cheeks flushed, and she grinned, so it's true! Does she have a crush on Dwight? Siniko ko siya at natawa naman ako dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko pero obvious naman e.

"W-wala, Maam--- Xy."

"Sus, I saw you nung nakaraang araw kung paano mo titigan si Dwight. Alam mo bang babaero si Dwight?" tanong ko sa kaniya.

"Oho, babaero po talaga siya..."

I chuckled on what she said. Hindi ako makapaniwala, ang akala ko rin ay wala siyang kaalam alam na papalit palit ang babae si Dwight. Halatang halata naman na nagseselos si Dwight kay Mav.

"Bakit ayaw mo kay Mavis? He is good though?"

"Maam, hindi ko naman po gusto si Mavis..."

"I told you, don't call me Maam... just Xy." Sagot ko naman at tumango na lang siya sa sinabi ko. Nahihiya siyang tumango sa akin, huwag na siyang mahiya dahil katulad din naman niya ako.

Pantay lang naman kami.

"Mabait si Mavis, pero hindi ko po gusto ang katulad nila... kagaya ni Sir Dwight, masyado po silang babaero," sagot pa nito at tumango ako. Natatawang bumaling sa kaniya dahil parang naiinis siya kapag binabanggit ko si Dwight.

"Nagkabalikan na po ba kayo ni Sir Ivan?" tanong nito.

"No, We're not talking about that." sagot ko agad at tumango naman ito. "I have someone else so..."

"Totoo po?"

"Hmmm yes, mahal na mahal ko siya e..." sagot ko naman at tumango tango naman ito sa akin. Patapos na ang hugasin at tinulungan niya na akong magligpit ng mga plato, mas marami nga ito kahapon buti na lang hindi siya napapagod? "Sanay ka bang gawin lahat ng gawain sa bahay?" tanong ko sa kaniya.

"Madalas po kasi akong sinasama nila Mama sa mansion ng Selguero, pinatutulong nila ako, kaya minsan nakakalibre na ako ng mirienda nabibigyan pa ako ng pera ni Maam Catherine, sobrang bait po non."

"Yes, sinabi mo pa! Mabait talaga sila..." sagot ko sa kaniya. "Dumadalaw sila rito?"

"Oo, Maam. Dumadalaw dito pero katapusan lang ng buwan kasi maraming trabaho sa company nila," sagot nito sa akin at tumango ako sa kaniya.

"Buti nasasabay mo ang pag-aaral mo?" tanong ko sa kaniya. Nahinto siya dahil sa sinabi ko.

"Nahinto ho ako, pero siguro next year baka makapag-aral na ako..." sagot nito sa akin. "Ang kaso lang malayo rito ang paaralan kaya hindi ako nakakapasok sa first subject." sagot nito sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng awa, samantalang kami isang sabi lang kay Manong Henry ay ihahatid na kami mula Marikina hanggang katipunan. Hindi katulad niya na maraming pang lalakaran at dadaanan.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now