Chapter 20

5 0 0
                                    

Engagement

"Sigurado ka ba, Xyrille?" ramdam ko rin kay Jane na hindi siya sang-ayon sa desisyon ko pero ano bang hindi ko nalalaman sa relasyon? I am immature so I think I need to fix myself first.

Mapait akong ngumiti.

"Kuya Trey..." tawag ko sa kaniya at tumingin ito sa akin. "Where's Karina? I need to say sorry of what happened between us."

"Bakit magsosorry ka sa kaniya?" sarkastikong tawa ni Kuya.

Mukhang nasira na rin sila Brandon, naririnig ko silang nagsasagutan sa hallway nung naglakad-lakad ako, I know I am the one who will blame. Nararamdaman kong mahal ni Brandon ang kaibigan niya.

Pero paano naman ako?

Alam kong mali kaming dalawa, may mali kami. Huwag din naman ako iblame dito dahil hindi lang ako ang may kasalanan.

"Aalis na kayong apat, hindi kayo pwedeng mag-away doon, Kuya..." sagot ko sa kaniya. Umigting ang panga ni Kuya Trey.

"Hindi na kailangan, marami rin namang project dito..." sagot nito at halos masamid ako sa sinabi niya.

"Pangarap niyo 'yon! Kuya naman... hindi mo pwedeng sabihin sa akin na hindi mo tatanggapin ang project na 'yon dahil matagal mo ng pinaghandaan 'yan, hindi pwedeng mawala lang at lalo pa nang dahil sa akin!"

"Hindi kita pwedeng iwan lang dito!" sigaw ni Kuya Trey. "Xyrille, hindi ka pwedeng mag-isa. Nandito kami... hindi ka namin iiwan."

"K-kuya..." sabay hikbi. Pinalis ko ang aking mga luha nang yakapin niya ako, humikbi ako at mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. "I'm sorry for being immature."

"No. Hindi ka immature, Xyrille. Ginawa mo lang 'yon sa ikabubuti niyong dalawa... shhh... tahan na..." pag-alo sa akin ni Kuya Trey.

Pinalis ni Kuya Trey ang aking luha, ngumiti ito nang matamis sa akin at ginantihan ko ito ng ngiti.

Nang makauwi kami ay tiwasay akong naligo, narating ko ang edge ng hagdan at nakita ko sila Jane at Kuya Trey na nag-uusap, hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero sana hindi tungkol sa akin.

Ayokong kaawaan nila ako.

Nagpahinga na muna ako bago ko maisipang magbukas ng cellphone, nakita ko lahat ng message ni Ram pero hindi ko pinindot 'yon, hindi ko iseseen man lang. Bumuntong hininga ako at tyaka ko binaba ang cellphone ko.

I think this is the best way.

"Manang, pakitapon na po lahat 'to..." sagot ko na lang. Tumingin ito sa mga basuarng itinapon ko, it's full of teadybears, meron din ibang flowers. Kinuha ko ang kwintas at hindi ko iyon inilagay sa trashbag.

"Hija, sigurado ka ba? Anong nangyayari? Bakit mo naisipang ipatapon lahat 'to?" tanong ni Manang.

"O kaya, ibigay niyo na lang po sa mga apo niyo, 'di ba you have apo?" tanong ko sa kaniya at tumango ito sa akin. "Ayos lang Manang, sa inyo na lang kaysa itapon ko...sayang naman..." sabi ko sa kaniya at ngumiti ito sa akin.

"Hija..." ngumiti ako at tumuon sa kaniya.

"Hindi mo ba nabalitaan ang tungkol kay Ram?" tanong nito sa akin. Sumeryoso ang aking mukha at nag-iwas ng tingin. "Iyon ang nobyo mo hindi ba?"

"Uhm, ex ko na po siya."

"Bakit mo pinayagang makawala sa 'yo?"

"Manang, magpapahinga na ho ako." tila sumuko na siya at tumakbo na lang ako sa aking kama at duon ibinuhos lahat nang sama nang loob. Tumingin ulit ako sa cellphone ko at nagulat nang may headline ng Selguero.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now