Chapter 16

8 1 0
                                    

Selos

Naghilamos na rin muna ito habang ako ay patingin tingin sa mga plates niya, hindi niya pa pala tinatapon ang ibang plates. Gosh, ang ganda ng mga gawa niya. Siya lahat gumawa nito? Ang ganda ganda.

"Look, ang ganda ng gawa mo rito..." manghang sambit ko.

"Minsan lang kapag walang ginagawa, gumagawa lang din ng plates..."

"Hindi mo tinatapon?" nagtatakhang tanong ko sa kaniya at tumango lamang ito. Nang mailuto niya na ang pagkain ay inaya niya rin ako. "Busog pa ako, ikaw hindi ka pa kumakain ng lunch."

"Kumain ka ulit, ayokong gutom ka." Pinal na sagot nito.

"Pero..."

Before I could even speak, he took my hand and led me to his table, I smirked. He also offered me the spam, oh I forgot.

"Kapag nagrocery ka, sabay tayo..."

"Bukas pa ako magogrocery, paubos na rin stocks ko..." sagot lang nito at tumango tango.

Nang matapos ang kumain ay tahimik lamang kami. Bumubulong ito nang kung ano ano, nagrereview nga pala siya. Ngayon ko lang naalala. Kung ano anong formula rin ang nakasulat sa pader. Napangisi ako.

Architect Ramiro Selguero. It suits him perfectly.

He glanced at me with a furrowed brow, and I grinned as I noticed expression on his face. He gently wiped my cheek, removing a smudge from the corner of my lips

"Nag-aaral ka nga pala... it's okay, I can come back later once you're done with your studies," I replied.

"Ayos lang naman, kailan ba start ng classes mo? Gusto mo bang ihatid kita sa school pag pumasok ka?"

"No need, I don't want to disturb you. You have other things to do, right?" I said. He is shaking his head as if he didn't like what I said.

"Kaya kong isingit, isa pa malapit lang naman dito..." sagot na lang nito at tumango na lang ako. Nang mayari ay ako na lang ang nagpresintang maghugas ng pinggan pero hindi niya ako pinayagan.

"Pero, kaya ko naman!" sigaw ko rito.

"Maupo ka na lang diyan, ako na ang bahala rito..." sagot nito at ngumuso na lamang ako.

"E 'di tutulungan na lang kita."

"Isa, ayaw ko ng makulit, Xyrille." hindi ko na lang siya kinulit, at nilibot ang condo niya. Siguro kung naglive in kaming dalawa, puro siya ang gagawa ng gawaing bahay. Ayoko naman ng ganoon, gusto ko tumulong din ako.

Tumingin pa ako sa ibang mga nakadikit na sticky notes sa pader, gulo gulo pa nga ang sulat nito at tawang tawa ako.

Ang ganda naman ng sulat niya pero meron akong parts na hindi maintindihan, kung ano ano na lang ang pinaglalagay niya ron. The numbers is everywhere, kaya nalilito ako. Puro na lang guhit, ewan ko ba rito.

Tumingin din ako sa mga preferences nito, even tho kahit na tao ang idadrarwing niya ang ganda nang pagkakaguhit. So, if I were to be an architect, I probably wouldn't be able to handle it. It's just a childhood dream for me, but I don't want to pursue it.

Nagtingin pa ako sa iba, I saw his camera, nakapatong lang din sa desk niya so tiningnan ko rito ito. Nakita ko ang iba't ibang angle ng bahay, pati na rin ang magkakaibigang sila Brandon and many more, siyempre nandoon din si Karina.

Nagtingin pa ako ng iba at napansin ang isang picture, kung saan nandoon ako sa isang desk, nakapangalumbaba, ngumuso ako at hindi mapigilang ngumisi. How could he! Ito 'yung time na nagrereview kami nila Jane, Jaren, Zie at sila Laila. Nakatumpok pa nga kami habang nagbabasa.

Young Love #1: It's Unexpected Onde as histórias ganham vida. Descobre agora