Prologue

18 1 0
                                    

"Ivan... let me explain..." pakiusap ko ngunit hindi ito humarap sa akin. Masyadong madilim, hindi ko na maaninag kung nasan na siya. Nagmakaawa ako na huwag na siyang umalis pero iniwan niya pa rin ako.

"I-ivan... please, huwag naman ganito... alam mo namang matagal na tayo hindi ba?"

Kinuha ko ang braso niya paharap sa akin.

"Pagod na ako, Xy. Pagod na pagod na, hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako napagod, hindi ko alam..."

"Then let's fix this! Alam mong ang tagal na natin, we have been 2 years and then you will end up like this!" sigaw ko. "I want you back again, I want you... I love you..."

"Then I don't." nag angat ang tingin ko sa kaniya, siniguradong siya ba taga ang nagsabi nuon. Ang alam ko kasing Ivan ay iyong makulit at malambing bakit naging ganito? Bakit naging ganito?

"I-ivan."

"Alam mo, pagod na ako. Alam mo kung bakit?"

"Then explain."

"Hindi ko pa kayang gawin lahat."

"You are the best, Ivan. Ikaw lang naman, ikaw lang parati. Hindi naman sila ang masusunod eh, ako naman at wala naman silang magagawa..."

Nangilid ang luha ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. He is my first boyfriend, kahit kailan walang nakatumbas nun sa mga past na manliligaw ko dahil ako naman ang naghabol, ako lang. Wala siyang ginawa kung hindo umu oo lang.

But he is just like this? Bakit ako lang lagi ang lumalaban?

Kinuha niya ang aking kamay na nakakapit sa kaniya at maingat na ibinaba iyon.

"I am. Minahal kita, mahal na mahal... kaya kung kaya mong maghintay, mahihintay mo ako... hmmm?"

"I want to be with you, always. Hihintayin kita, Ivan."

"Aasahan ko 'yan, Xy. Alam kong kayang kaya mo rin akong kalimutan, baka sa mga susunod na panahon... hindi na nga ako ang mahal mo..."

"No! I still love you!" laban ko.

"We are still teenager, marami pang dadaan sa atin, kaya hindi naman natin masasabi kung tayo nga ba... pero sana..."

Unti unting tumulo ang luha ko, pinunasan niya naman kahit labag na sa loob kong umalis siya. Aalis na nga siya, at hindi naman ako kasama.

"Ikaw lang palagi, I'll promise."

"Kaya siguro pagbalik ko rito, dalagang dalaga ka na talaga..."

"Sana dumating na 'yun." Niyakap niya ako ng mahigpit, hindi ko pa kayang kumawala sa kaniya.

"Kaya, let's end this for a meanwhile. Babalik ako, babalikan kita..."

"I love you, Ivan..."

"I love you." Sabay halik sa aking pisngi.

Umalis na siya dala dala ang maleta kasama sila ang magulang niya. Pero sana nga mahintay namin ang isa't isa para sa ganun maging kami pa rin hanggang huli.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now