Bumuga naman nalang ako ng hangin at ngumiti ng napakatamis sa kanila.



"I'm so happy for you guys! Dahil diyan, sagot ko honeymoon niyo."masayang saad ko.


Gumaan naman ang mood namin. Bumalik na din kami sa pagkain namin. Tinukso namin sina Trish at Zeus habang inalala na may magiging little princess na kami.


"Teka, comfort room muna ako."saad ko.


Dali-dali akong tumakbo papunta sa CR dahil na duduwal ako. Hindi ko alam ngunit nito lang akong nakaraang linggo madalas naduduwal ng hindi ko alam. Wala din naman akong nakain ng masama. Hindi pa rin ako maka punta sa doctor dahil sa sobrang busy sa trabaho.

Matapos ko dumuwal ay naghugas muna ako ng mukha at kamay bago bumalik sa mga kaibigan ko.


"What happened?"nag-alalang tanong nila sa akin isa-isa.

"Wala, dumuwal lang ako."ngiting sagot ko sa kanila.

"Masama ba pakiramdam mo?"tanong ni Trish sa akin.

"Overwork siguro."sagot ko nalang.

"Alagaan mo naman ito, Dave!"saad ni Zeus.

"Inaalagaan ko naman 'yan. Siya lang ang hindi nagpapaalaga."saad nito.


Natapos na kaming kumain kaya naman napagdesisyunan namin na magsiuwian na. Ako, Trish at Synthia ay nag book kami ng hotel habang si Dave ay doon sa condo ni Zeus mamalagi. Pansamantala lang kasi ako dito dahil sa bukas ng gabi ay uuwi din kami sa Korea.

Nandito na kami sa hotel namin. Isang luxurious na hotel, dahil galante ako. Ako ang nagbayad lahat ng expenses namin dito.


"What's that smell?"takang tanong ko sa kanila.

"Huh? Ito?"itinaas ni Synthia ang nabili niyang leche flan.

"Leche flan? I hate that smell. Throw that."inis na saad ko.

"OA naman nito. Parang hindi favorite natin ang leche flan. Anyare sa'yo?"gulong tanong ni Synthia.

"Basta, ayoko sa baho niya."saad ko habang naka takip ng ilong.

"Sa CR nalang ako kakain. Weird mo."saad ni Synthia at pumasok sa CR habang bitbit ang leche flan niya.


Nagpatuloy naman ako sa pag-ayos ng mga gamit ko. Bumalik ako sa kusina para uminom ng tubig ng makita ko si Trish na kumakain ng mangga at bagoong. Hindi halata sa tiyan niya na buntis siya. Siguro dahil 3 months palang ang tiyan niya kaya hindi ito halata.


"Bakit sa CR kumakain si Synthia?"takang tanong ni Trish.


Napakilbit-balikat nalang ako at uminom ng tubig. Tinignan ko naman siya at naglaway naman ako sa mangga na kinakain niya.


"Gusto mo?"pag-aaya niya sa akin.


Hindi na ako sumagot at tumabi agad sa kaniya. Nakikain na din ako. Hindi naman ako fan ng mangga pero hindi ko alam sa tiyan ko kasi natatakam ako. Nabigla naman kami ng lumabas na si Synthia galing sa CR.


"Ayun, kumakain ako sa CR kayo naman ay kumakain dito."sarcasm na saad nito.


Hindi naming siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Umupo naman siya sa tabi ng upuan namin.


"Ano nakain mo at kumakain ka na ng mangga at bagoong ngayon? From what I remember, ayaw mo sa bagoong kasi nababahuan ka. Hindi ka naman ganoon katakaw pag kumakain ng mangga."kunot-noong tanong ni Synthia.

"Hindi ko din alam eh. Basta ang alam ko natatakam ako sa mangga at nababahuan ng leche flan."saad ko naman.

"Hindi kaya..."sabay nilang putol na saad.

"Ano?"takang tanong ko.

"Buntis ka?/ Stress ka?"sabay nilang saad.

"Anong buntis? Paano mabubuntis 'yan?"takang tanong ni Synthia kay Trish.

"Malay ko. Baka may lalaki 'yang ka alam mo na. From what I observed, naduduwal siya, it could be morning or evening sickness. Nababahuan sa leche flan at natatakam sa mangga at bagoong, naglilihi siya. Ganiyan din naman ako ngayon eh."paliwanag ni Trish.


Pareho silang nakatingin sa akin na para bang hinihintay nila na sumagot ako. Napatawa naman ako ng pagak sa kanila.


"Hindi naman siguro."saad ko.

"Natulog ka na may kasamang lalaki?"suspicious na tanong nila sa akin.


Hindi ako makasagot sa kanila at nagulat naman ako ng bigla akong hinicups. Inilapit nila ang mga mukha nila sa akin habang naka kunot ang mga noo. Tumayo naman ako ng deretso at ininom ang tubig ko kanina.


"Una na ako! Matutulog na ako."saad ko.


Tumakbo na ako papunta sa kwarto namin. Dali-dali ko naman isinirado ang pintuan ng kwarto. Iniisip ko naman ang mga sinabi nila sa akin. Napahawak naman ako sa tiyan ko. Hindi kaya, buntis ako?

Oo, may nangyari nga sa amin ni Kyler pero guarantee ba na may nabuo kami sa pangyayari na 'yun? Napa-iling naman ako. Hindi, baka guni-guni lang 'to o baka na brainwash lang ako ng mga kaibigan ko.

-xxx-

Pasensya na at natagalan ang update been busy this days huhu.

By Your SideWhere stories live. Discover now