CHAPTER 12

79 1 0
                                    

CHAPTER 12:

-xxx-

Niligpit ko naman ang kalat dito sa backstage dahil hindi pa naman tapos sila kaya ito nalang ginawa ko. Mga coffee na ininom ng Hori7on ay isa-isa ko kinuha at iniligpit. Habang nagliligpit ako ay nakita ko ang cofee cup ni Kyler at agad ko naman itong kinuha.

"Bwesit ka talaga kahit kailan."inis na saad ko sa cup at piniga ito at iiligpit.

Patuloy lang ako sa paglilinis hanggang sa matapos ko na ligpitin ang kalat ay umupo naman ako dahil sa pagod. Kapagod pala 'tong trabaho na ito.

"Amara! Tara na."

Napalingon naman ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan na pumasok na pala si Vinci. Agad naman akong tumayo at kinuha ang party poppers habang siya ay kinuha sa box ang cake at party hat. Sumunod naman ako sa kaniya papunta sa stage. 

"Happy Birthday to you,

happy birthday to you,

happy birthday,

happy birthday,

happy birthday to our dear Managernim."

Kanta ng lahat ng Hori7on members. Tumayo naman si Managernim at tumakbo papunta sa stage. Teary eyed pa siya. At sinuotan siya ng party hat.

"Saengil chukha hamnida, uri Managernim."saad ni Vinci. (Happy birthday to our Manager.)

Pinaputok ko naman ang party poppers. Hinipan naman din ni Managernim ang cake niya. Binigyan naman siya ng host ng microphone.

"This is unexpected. But I want to thank to the Hori7on for this surprise. To the management. To the Philippines. To the staff. To the Hori7on's PA. And to all of you. Salanghaeyo yeoleobun."saad ni Managernim. (I love you guys.)

Nagpalakpakan naman ang lahat. At dito na nagtatapos ang event. Habang isa-isang nagsi-alisan ang mga tao ay isa-isa naman nagligpit ang mga staff. Habang kami naman kasama si Managernim at ang Hori7on ay dumeretso na sa backstage.

"Managernim, we already booked a restaurant near the mountains. Let's celebrate your birthday!"saad ni Vinci.

"Thank you everyone. I really appreciate it."saad naman ni Managernim.

Kinuha ko naman ang bag na bitbit ko kanina. Ngunit inagaw naman ito agad ni Kim sa akin. Siya ang nagbitbit nimo. Inagaw ko naman ulit ito sa kaniya.

"Ako na nito, Kim."saad ko.

"Ako na. Hindi pa okay ang mga paa mo."saad niya.

Umiling naman ako. "Hindi ako na talaga. Please. Ayoko na makarinig ng mga sabi-sabi ng iba."saad ko at una na akong lumabas.

Sumunod naman siya sa akin ay hindi pala, nilagpasan niya ako. Mukha siyang naiiinis na nagagalit na ewan. 

"Food!"mahinang sigaw ni Reyster.

Patuloy pa rin sa pag-alalay sa amin ang security palabas sa Mall. Habang ang mga tao ay patuloy pa rin kaming dinudumog.

"PA naman pala."

"Hindi marunong lumugar."

"Reysterrr!"

"Marcus!"

"Malandi."

"Kylerrrr!"

"Pangit naman."

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon