CHAPTER 25

78 1 0
                                    

CHAPTER 25:

-xxx-

"Wake up, sleepy head."isang malumay ang narinig ko sa tenga ko.


Agad ko namang ibinuka ang mga mata ko at nagulat naman ako kasi ang lapit ng mukha ni Kim sa akin. Ang lapit ah! Napabangon naman ako sa pagkahiga sa shoulder niya at pinahid ang bibig ko kung may laway ba. Luckily, wala naman.


"Nakatulog pala ako, sorry."saad ko.

"Sayang nga eh. Hindi mo nakita ang view."saad nito at tumingin sa bintana.

"Bakit h-hindi mo ako ginising kanina? Nakatulog pa ako sa balikat mo. K-Kahiya."saad ko ng hindi makatingin sa kaniya.

He grinned at me. "Sabi ko naman sa'yo pag gusto mo matulog humiga ka lang sa balikat ko. Pero hindi ko alam na napasarap ka pa at mas lalong gusto mo pa akong halikan. Pwede naman."taas-baba ang kilay niya.

"E-Ewan ko sa'yo."saad ko at tumingin nalang sa unahan.


Patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin pero hindi ko talaga siya pinansin.


"You've arrived to your destination. Welcome to Bacolod City."bati ng flight stewardess sa harapan.


Nag-uunahan namang bumaba kaming lahat dito sa eroplano. Dahil nakatulog ako sa biyahe ay hindi ko alam na naka landing na pala kami dito sa Bacolod-Silay International Airport. Actually hindi pa ito ang City dahil napapalibutan lang ito ng mga sugarcane at palayan. 

Nakababa na kami sa eroplano. Nilanghap ko naman ang hangin. Mas masimoy pa dito kesa sa Manila na unang malalanghap mo ay mga usok ng sasakyan. Napangiti naman ako.


"You looked happy."saad ni Kim sa likuran ko.

"Ang ganda pala dito."masayang saad ko.

"Mas lalong gaganda ang Bacolod kasi nandito ka."saad ni Kim sabay wink sa akin.


Una naman siyang naglakad dahil papasok na sa airport kaya sumunod naman ako kasi baka maiwan din ako mahirap na, hindi pa naman ako taga dito.

Paglabas namin sa airport ay marami palang naka-abang na mga fans ng Hori7on. Mabuti naman at may mga security na nag gagabay sa amin. Ang Hori7on naman ay todo ngiti at kaway-kaway lang sila sa mga fans habang ako ay kasabay lang si Managernim sa paglalakad at bitbit ang gamit ko.

May bus naman na naka-abang sa amin kaya mabilis naman kaming sumakay dito. Nakalimutan ko nga palang sabihin na ang kaninang mga crew na sinasabi ko ay mga camera man pala at production. Nakavideo ang galing Manila papunta nila dito sa Bacolod.


"We'll be staying at Stay Amare Villa Maria Bacolod."anunsyo ni Managernim pagpasok namin sa bus.


Katabi ko ngayon si Kim at hindi ko alam kung paano ito nangyari gusto ko nga sanang tumabi kay Kyler kaso hinigit ako ni Kim kaya wala akong nagawa.


"Maganda doon at talagang private villa siya."saad ni Kim.

Nilingon ko naman siya. "You've been there na?"

"One time lang naman with my family."sagot niya.


Napatango-tango naman ako at ibinaling ang tingin sa mga tanawin. Anong tanawin? Mga palay at tubo lang naman nakikita ko. Pero kahit na doon pa rin naka focus ang paningin ko kasi gusto ko magmuni-muni. Mabuti nga at hindi ako ginambala ni Kim.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon