CHAPTER 26

76 1 0
                                    

CHAPTER 26:

-xxx-

"Tagal mo naman!"tawag ni Winston sa akin.

Nakita naman ako ni Kim kaya lumapit ito sa akin habang kinuha naman ni Winston ang bitbit na lettuce ko at nilagay sa table kung saan sila nag grill.

"Are you okay? Parang umiyak ka galing."nag-aalalang tanong ni Kim sa akin.

"Yeah. Why?"simpleng tugon ko.

Bumuga ng hangin si Kim. "Just tell me the truth."

"I'm really fine."saad ko sa kaniya habang ngumiti ng peke.

"Kilala kita, nag-aalala ako sa'yo. Let's sit and talk it out."saad nito habang hinawakan ang balikat ko papunta sa sofa.

Umupo naman kami habang siya ay nakatutok lang sa akin. Ako naman ay sa ilalim lang nakatingin. Wala lang kaming imik pero ramamdam niya bawat bugtong-hininga na inilabas ko.

"Is it about Kyler?"mahinang tanong niya kaya napalingon naman ako.

He sighed. "I know may gusto ka sa kaniya. Halata naman eh."tawa niya sa bawat salitang binigkas niya.

"But don't worry, I'm not blaming you or anyone. Wala naman sigurong masama na magkagusto din ako kaso lang sa hindi naman ako gusto."dagdag pa nito.

"K-Kim--"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong niyakap.

"Ako nalang kasi..."mahinang bulong niya habang malungkot ang mga boses.

"K-Kim..."tawag ko sa kaniya.

"Nasasaktan ako pag sinasaktan ka niya."saad nito sa akin.

Nagpupumiglas ako sa mga yakap niya. "Kim..."

"Just let it out, please."paki-usap niya sa akin at bumitaw sa yakap.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Mahina akong humagulgol. Mabuti naman at hindi kami napansin ng iba dahil busy sila sa kwentuhan at pagluluto.

"Iiyak mo pa."saad ni Kim.

"A-Ang sakit K-Kim."pagak na saad ko.

"Tandaan mo, kahit anong mangyari nandito lang ako."saad nito sa akin.

"W-Wala naman akong g-ginawa sa kaniya."hikbi na sabi ko.

Hinayaan lang ako ni Kim na umiyak ng umiyak kaya naman ay medyo gumaan ang pakiramdam ko at dahil iyon sa comfort na ibinigay ni Kim sa akin. Matapos ang ilang minuto sa pag-iyak ay huminto naman ako dahil kalmado na ako.

"You feel better?"tanong nito sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Pinahid niya naman ang mga natitirang butil sa pisnge ko kaya napangiti ako.

"I'll get you water at saka kunin nalang kita ng foods. Dito lang tayo kakain."saad nito at tumayo.

Tumango lang naman ako sa kaniya at sinundan siya ng tingin habang papunta sa table ng mga nagluluto. Aksidente naman akong napalingon sa gawi ni Kyler at sakto naman na nagtama ang mga mata namin. Mabilis ko namang binawi ang tingin ko sa kaniya ng makitang blangko ang kaniyang expression.



KYLER'S POV

"Pre, kanina pa luto 'yang niluluto mo."kinilabit ako ni Reyster kaya naman napalingon ako sa niluto ko.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon