CHAPTER 19

80 1 0
                                    

CHAPTER 19:

-xxx-

Maaga akong nagising at umalis sa bahay nila Synthia sakto din naman na kakadating lang ng parents niya kaya nagpaalam na ako. Iyong mga kagrupo ko ay tulog pa sa living room dahil madaling araw palang.

Nandito na ako sa labas ng bahay at sakto din na nakita ko si Mama kakauwi lang din. 

"Ma, kakauwi mo lang?"tanong ko kay Mama.

Nagulat naman siyang napalingon sa akin. "A-Ah, oo. Madami kaming napag chismisan ni Beth."

Napatango naman ako. "Pasok na tayo, Ma. Lamig na dito."

Pumasok naman kaming dalawa ni Mama sa bahay. Dumeretso naman siya sa kwarto niya mukhang tutulog siya habang ako naman dumeretso na sa kwarto ko para maligo. Sa sched naman na sinend ni Managernim ay wala naman gaanong sched ang Hori7on kaso around 7 AM ay may interview sila, parang podcast then 'yun lang. After they can enjoy their day muna most especially birthday ni Jiro.

Papunta na ako sa location ng interview nila. Late na nga ako kasi hindi ko namalayan ang oras after ko maligo. Nakatulog kasi ako ng isang oras kaya ito late na. Mabuti naman at itong taxi na nasakyan ko ay mabilis kaya naka-abot naman ako sa location kasi 20 minutes late na ako. Kanina pa nga ako tinadtad ng text ni Kyler eh. Kung sisipot ba ako o hindi. Bumuntong-hininga naman ako bago pumasok.

"Good Morning po, Ma'am."bungad ng guard sa akin.

"Good Morning din po."bati ko.

Naglakad naman ako papunta sa interview location ng Hori7on habang bitbit ko ang 2 supot. Isang supot ng pitong coffee habang isang supot ng bento cake para kay Jiro. Isa ito sa mga dahilan ba't ako na late kasi bumili pa ako nito. 

Nakita ko naman sila sa harap ng camera. Hindi naman nila ako makita kasi nandito ako sa gilid. Pumasok muna ako sa dressing room nila at inilagay ang bag na dala ko. Mga gamit ko lang naman iyon habang binitbit ko uli ang dalawang supot.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan at inilapag ang dala ko na supot sa lamesa.

*****

"CUT!"

Napa bangon naman ako sa sumigaw. Ay nakatulog pala ako hehe. Kakatapos lang nila sa interview kaya naman isa-isa ko kinuha sa mga supot ang mga dala ko.

"THANK YOU SA LAHAT!"saad ng Director.

Nakita naman ako ni Marcus kaya kumaway ito sa akin at tumakbo papunta sa akin at sumunod naman ang mga grupo.

"ATEEEEE!"sigaw ni Jeromy sa akin.

Agad naman niya akong niyakap ng sobrang higpit. Kaya naman natawa ako. Para namang ilang taon kaming hindi nagkita. Bumitiw na siya sa yakap kaya agad ko naman kinuha ang bento cake na binili ko.

"Happy Birthday Jiro!"masayang bati ko sa kaniya.

"Hala! Salamat Ate."saad ni Jeromy at kinuha niya naman ang cake niya.

"Ang cute naman nito, Ate."dagdag niya.

Ningitian ko naman siya. Lumapit naman si Kim sa kaniya at pinahiran siya ng icing galing sa bento cake kaya naghabulan sila. Nagtawanan naman silang lahat.

"Akala ko hindi kana dadating."saad ni Kyler na nasa tabi ko na pala.

Tinignan ko naman siya. "Shempre naman, may pinangakuan ako eh."

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon