CHAPTER 20

81 1 0
                                    

CHAPTER 20:

-xxx-

Nakita ko naman agad sila sa loob ng arcade. Sina Marcus at Jeromy ay naglalaro ng Dance Step. Sina Vinci at Reyster naman ay naglalaro sa claw machine. Nakasalubong ko naman si Winston.


"Saan kayo galing ha?"kinikiliti pa ako ni Winston.

"Sira, may napag-usapan lang."saad ko.

"Sinagot mo na ba?"pang-aasar niya.

"Anong sinagot? Umayos ka Winston."tugon ko.

"Kailangan kayo ang magkatuluyan dahil number 1 niyo akong shipper. KimRa for the win!"asar ulit niya.


Sinamaan ko naman siya ng tingin at mahinang hinampas kaya naman natawa siya at umalis nalang at lumapit kay Kim. Nakita ko naman si Kyler seryosong nakatingin sa mga naglalaro. Nagsalubong nga ang kilay eh. Lumapit naman ako sa kaniya.


"Bakit hindi ka makipaglaro sa kanila?"bungad ko sa kaniya at tumabi sa kaniya. 

"Tss."tugon niya at umalis na.


Luh. Inaano ko 'yun? Napakilbit-balikat nalang ako. Ganoon naman minsan 'yun eh. Mood swings 'nun grabe pa sa babae kaya intindihin ko nalang. 

Napangiti naman ako nakatingin sa kanila. They look so happy. Parang tipong walang iniinda na pagod at stress. Lumapit naman sa akin si Marcus na may dalang isang maliit na keychain stuffed toy na minion.


"Ate! Sa'yo na napanalunan namin kanina."masayang bigay niya sa akin.

"Talaga? Sa akin na 'to?"gulat na tanong ko.


Masaya naman siyang tumango kaya naman ay kinuha ko ito at inilagay sa bag ko. Ang cute niya tignan.


"Thank you dito!"masayang saad ko at ginulo ang buhok niya.


Umalis naman siya at nagpatuloy lang sila sa paglalaro. Napalingon naman ako sa iba. Tumayo naman ako kasi nagkumpulan sila sa may basketball.


"Anong meron?"tanong ko kay Reyster dahil siya ang malapit.

"Pinagselos mo eh."sagot nya.

"Ha?"takang tanong ko. Ang layo naman ng sagot niya.


Hindi na ako pinansin ni Reyster pero rinig ko ang mahina niyang tawa. Para siyang sira. Pinagsasabi niya, tsk. Lumapit naman ako kay Vinci baka sakaling makakuha ng marinong sagot.


"Ano meron?"tanong ko kay Vinci.

"Naglalaban si Kim at Kyler. Paramihan daw ng maraming na shoot."paliwanag niya.

"Anong nakain nila?"tanong ko.


Napakilbit-balikat naman siya kaya naman ay nanuod nalang ako sa laro nila. Sa ngayon ay nangunguna si Kim kahit mas matangkad si Kyler kay Kim ay nangunguna si Kim nito.


"Ate, cheer for them!"saad ni Marcus.


By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon