CHAPTER 28

77 1 0
                                    

CHAPTER 28:

-xxx-

Natulala ako sa nakita ko habang si Kyler ay napangiti sa reaksiyon na ipinakita ko.


"Ano 'to?"ngiti na may halong gulat na tanong ko.

Ngumiti naman siya sa akin at pinaupo ako. "I prepared this for you."

"Bakit? Anong meron?"tanong ko.

He just shrugged his shoulders. "You'll know"

"Saan ka kumuha ng mga pagkaing ito?"turo ko sa pagkain na nasa mesa.

"Order ko lang 'yan kasi very urgent na 'to."saad niya habang kinamot ang ulo niya. Ang cute.

"Let's eat muna."dagdag niya pa.


Sumunod naman ako sa sinabi niya. Kumain ako sa inihanda sa lamesa. Masasabi ko lang na masarap ang pagkain. Take-out lang nga diba. Palihim naman akong napangiti. Tinataboy pa niya ako pero ngayon siya naman ang lapit ng lapit. Marupok ka te.


"Pwede mo na ba sabihin sa akin bakit may pa ganito ka?"tanong ko sa kaniya.

"Baka nakakalimutan mo hindi tayo bati."dagdag ko.


Bumuga naman siya ng hangin bago ibinaba ang mga utensils na hawak niya. Inayos niya ang plato na nasa harap niya at humarap siya sa akin.


"I'm sorry for what I did last time. Alam ko at fault ako doon."paumanhin niya sa akin.


Tinignan ko siya sa mga mata at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kung dati ay walang ekspresyon ang mga ito ngayon ay meron na.


"Sabihin mo nga sa akin, bakit mo nga ba ako itinulak palayo sa'yo?"maguluhang tanong ko.

He sighed. "I'm not doing that on purpose."

"So, bakit nga?"tanong ko ulit.

"After pagkahimatay mo, I felt so much guilt..."putol nitong sabi.

"Maawaing Diyos, 'wag mo akong bitinin."gigil na saad ko.

"Naguilty ako kasi before that happened, kinulit kita when we ate ice cream. I disregard your feelings. I blamed myself that time."malungkot na saad nito.

"Kyler, look..."tawag ko sa kaniya kasi hindi siya makatingin sa akin.

"You don't need to blame yourself. Sa totoo nga, I enjoyed that day despite being tired and exhausted. I just overworked myself kaya nangyari 'yun but believe me, I didn't blame you."ngiting paliwanag ko sa kaniya kaya napatitig naman siya sa akin.

"Ako nga dapat magtampo sa'yo eh. You didn't even visit nor ask me how I am noong nasa ospital ako."inis na saad ko.

"Kung alam mo lang..."bulong nito pero rinig ko naman.

"Anong 'kung alam mo lang'?"kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Bumuga naman siya ng hangin. "I am actually the one who carried you pasakay sa abulansya. Ako din ang nagbantay sa'yo before the doctor left. Kaya lang, I saw how caring Kim kaya pinaubaya nalang kita... but now I won't do that anymore."

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon