CHAPTER 47

41 1 0
                                    

CHAPTER 47:

-xxx-

"Kyler, umuwi kana."saad ko nito.

Napalingon naman siya sa akin. Pero hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa paghaharutan sa babae.

"Excuse me, alam ko na Pinay ka. Sorry pero kailangan na kasi umuwi ng lalaking 'yan."saad ko sa babae.

Nagulat naman ako ng inirapan niya lang ako at hindi pinansin. Bumuntong hininga naman ako at hinigit si Kyler.

"You need to go home."malumay na saad ko.

"Who the fvck are you para higitin mo?!"inis na saad niya at tinulak ako.

"Si Amara 'yan!"inis na saad ni Winston.

Lumingon naman si Kyler sa kanila. "Sabi ko sa inyo na huwag na huwag Ninyo babangitin ang pangalan ng babaeng iyon!"

Umiling naman ako sa kanila para hindi na nila kausapin pa dahil alam ko naman na lasing siya.

"I already have a girlfriend!"mabilis na saad niya.

Lumapit siya sa babae na kausap niya kanina at hinalikan ito. Isang agresibong halik. Nagulat naman ako sa nasaksihan ko. Parang tinusok ng maliliit na karayom ang puso ko. Nanlabo na din ang mga mata ko. Nanlambot ang mga paa ko.

Mabilis naman ang pangyayari. Sinuntok ni Reyster si Kyler at natumba naman ito agad.

"I'm sorry of you have witness that."saad ni Reyster.

"Gusto namin na sana ikaw maghatid sa kaniya sa dorm namin. This is the address."saad ni Vinci.

Mahina naman akong tumango at pinahid ang luhang lumalabas sa mata ko. Bitbit nila si Kyler habang ako ay nakasunod. Sinakay kami ni Vinci sa isang taxi at inihatid kami nito sa address na itinuro ni Vinci.

Mahimbing na nakatulog si Kyler habang may dugo sa labi. Mapait naman akong napangiti. Ngunit hindi mawala-wala ang ginawa niya kanina sa bar. Ang paghalik niya ng ibang babae sa mismong harapan ko. Hindi, lasing lang siya.

Umabot naman kami sa dorm nila at inalalayan ko siya mag-isa papasok sa loob ng kwarto niya. Hindi naman ako nahirapan dahil may pangalan naman bawat pintuan nila. Mabilis ko naman siyang inihiga. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hawakan.

"I miss you..."mahinang saad niya habang nakapikit.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pinigilan ko nalang ang sarili ko na umiyak. Dahan-dahan ko naman na kinuha ang kamay ko na hawak niya ngunit hinigpitan niya ito ng hawak pero nanatili pa rin siyang nakapikit at mukhang tulog na nanaginip.

"Don't leave me..."saad nito na nakapag durog ng puso ko.

"Hindi ko kaya..."ulit nito.

"Amara..."dagdag nito.

Sa puntong ito ay hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Lumapit ako sa higaan niya at niyakap siya.

"Nandito ako."saad ko sa bawat hikbi ko.

"I'm sorry."dugtong ko.

Hinawakan ko naman ang mukha niya at hinaplos ito. If I could go back to the time where I first met you...

Mahimbing naman na siya nakatulog ngayon kaya naman ay inayos ko na ang higaan niya at lumabas na. Nakita ko naman silang lahat sa labas kasama si Synthia. Niyakap nila akong lahat.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon