CHAPTER 44

45 1 0
                                    

CHAPTER 44:

-xxx-

Maaga naman akong nagising dahil maaga akong pinapatawag ng Management dito sa Pilipinas. Sa susunod na araw pa aalis ang Hori7on at ngayon ay kailangan muna nila magpahinga.

Mabilis naman akong naka-abot sa opisina ni Mr. Henry at kasama ko doon ay si Managernim.


"Good Morning po. Bakit niyo po ako pinatawag?"magalang na bungad ko sa kanila.


Mabilis naman inihagis ni Mr. Henry ang iPad niya sa sofa kay nagulat naman ako. Si Managernim naman ay nakayuko lang. Pinulot ko naman ang iPad ni Mr. Henry.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Picture namin ni Kyler kagabi naghahalikan sa after-party.


JUST NOW: HORI7ON MEMBER KYLER CHUA AND HER PERSONAL ASSISTANT ARE SEEN TO BE INTIMATELY KISSING AT THEIR AFTER PARTY. ARE THIS TWO DATING?


Nagulat naman ako sa nabasa ko. Mabilis ko nabitawan ang iPad na hawak ko. Napatakip naman ako sa bibig ko.


"Totoo ba ang nakasulat diyan?"kalmadong tanong ni Mr. Henry habang hinihilot ang sintido ng ulo niya.


Nanginginig ako sa takot at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nagsilabasan naman ang mga luha ko.


"Diba sinabi ko sa'yo na huwag na huwag ka magkamali sa trabaho mo? Trabaho mo ang alaagan sila hindi ang makipagrelasyon!"galit na sigaw nito sa akin at tinapon ang basong hawak niya.


Nanatili pa rin akong hindi maka-imik at patuloy sa patulo ang mga luha ko.


"Paano na 'yan?! Hindi lang dito sa bansa natin 'yan sikat kundi sa buong bansa na!"inis na saad nito.

"Ang laking pagkakamali kung bakit ka pa namin kinuha. From today onwards, you're fired!"saad nito sa akin.


Nanlambot lahat ng mga tuhod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at tinignan ko naman si Managernim at nakita ko sa mukha niya ang awa at paumanhin.

Tatalikod na sana ako ng mabigla ako ng pumasok si Kyler at hinawakan ang kamay ko.


"No. Totoo lahat ng nasa article na iyan. May relasyon nga kami matagal na. Gusto ko na maging totoo sa inyo. Ako ang parusahan ninyo at hindi siya."matigas na saad ni Kyler.


Nagulat naman si Mr. Henry sa kaniyang narinig kahit si Managernim ay napatingin sa kaniya.


"Nahihibang ka na ba Kyler?! Pumili ka ano gusto mo ang reputasyon niyo o ang babaeng iyan?!"galit na saad ni Mr. Henry.


Napalingon naman agad kami sa bagong salta na tao sa loob ng opisina at iniluwa nito si Daepyonim.

Tumingin siya sa akin ng malungkot ang mukha kaya mas lalong tumulo ang luha ko.


"Daepyonim."mabilis namang umiba ang timpla ng boses ni Mr. Henry.

"I'll deal this two. Come with me."saad nito sa aming dalawa ni Kyler.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon