"Bakit kailangan i-connect?! Banat kasi yon Jema! Banat!"

"P-Parang tanga! Gusto mong banatin ko yang mukha mo?! Tara na nga! Mag ice cream nalang talaga tayo, kung ano-ano yang naiisip mo eh!" sabi nya pagkatapos naglakad na sya kaya sumunod ako sakanya

Napangiti ako

Naglakad kami palapit sa nagtitinda ng ice cream

"Kuya, anong available na flavor?" tanong ni Jema

"Marami po eh, may ube, buko, mango, pinipig" sagot ng tindero

Tumingin sakin si Jema

"Anong gusto mo?"

"Ikaw" sagot ko habang nakangiti

Napairap ulit sya

"Tsk! Ano nga?!"

"Hahahah! Mango nalang" sagot ko

"Daming alam eh!" inis na sabi nya pagkatapos tumingin uli sya sa tindero, "Kuya isang mango at isang buko po"

"Okay po, hehehe! Ang cute nyong dalawa, magkaano-ano kayo?" sabi samin ni Kuya Kaya napangiti ulit ako

"Mag-asawa po kami Kuya" sagot ko kaya tiningnan nanaman ako ni Jema ng masama

Natatawa talaga ako kapag naiinis sya! 😆😆

"Epal..." irap nya sakin

"Hahah! Sya po yung magiging ina ng labinlimang anak ko kuya" sabi ko pa habang nakatingin kay Jema

"Hahahah!" tawa ng tindero

"Anong nakaen mo? Nang maiwasan! Kanina ka pa!"

"Hahahah! Joke lang naman!" sabi ko

"Hahaha! Nakakatuwa kayong dalawa" sabi ng tindero kaya napangiti ako

Nang makuha namin yung ice cream tumambay muna kami sa ilalim ng puno

"Diba sabi mo magsu-swimming ka?" tanong ko sakanya, tumango sya

"Oo, pag naubos ko tong ice cream" sagot nya

Tumingin ako sa nga naliligo sa dagat

Ang daming mga sexy na babae pero hindi ako na a-attract sakanila

Ilang sandali lang at tumayo na si Jema

"Oh, tapos ka ng kumaen ng ice cream?"

Tumingin sya sakin

"Oo, gusto ko na ding magswimming eh" sagot nya

"Nakaganyan ka lang?" tanong ko sakanya pagkatapos kumagat uli ako ng ice cream

Ngumiti sya

"Syempre hindi..." sagot nya pagkatapos hinubad nya yung sando nya

Para bang nag slow mo yung galaw nya habang hinuhubad yung sando nya, hindi din maalis yung tingin ko sakanya

Napalunok ako, kasabay non ay yung pagbilis ng tibok ng puso ko

Sunod nyang hinubad ay yung short nya

Bigla kong nabitawan yung ice cream na hawak ko

Tumingin sya sakin

"Ano? Mas lalo bang uminit?" tanong nya sakin habang nakangisi

Agad akong umiwas ng tingin

"H-Hindi ah!"

"Hahah! Osya, maliligo lang ako, dyan ka lang, wag mo akong masyadong pagmasdan ha, baka mahulog ka, masasaktan ka lang" sabi nya sakin

For The First TimeWhere stories live. Discover now