Chapter 28

7.3K 533 60
                                    

MALALIM munang humugot ng hininga si Prius bago niya tinulak ang pintuan papasok sa karinderya ng mga magulang ni Sunrise.

Pagkapasok niya ay agad niyang nakita ang mama ni Sunrise na nasa counter. Napansin siya nito at agad na ngumiti sa kanya kasabay ng pagkaway.

Prius smiled and walked towards the counter. "Hello, tita," he greeted.

"Oh, iho, napadalaw ka. Aba ay, nasorpresa naman ako," anitong nagmamadaling lumabas ng counter. "Ikaw ba ay kakain, halika—"

"No, tita— well, I mean — magandang ideya na kumain dahil ang sarap po ng mga luto niyo pero hindi po iyon ang pinunta ko ngayon."

"Ganoon ba." Napatigil ito. "Ano ba atin?"

"Pwede ko po ba kayong makausap ni tito Theo tungkol kay Sunrise?" he asked.

Nagsalubong ang kilay nito at nasa mukha nito ang pagtataka, gayumpaman ay tumango ito.

"Siya, pribado ba ang pag-uusapan natin?"

Prius nodded.

"Sige, halika. Pasok ka. Sa taas tayo mag-usap."

Pumasok siya sa counter at tinungo nila ang isang pintuan. Pagkapasok doon ay may hagdaan papunta sa second floor.

"Mauna ka na. Tawagin ko lang si Theo." Utos nito.

"Thanks, tita."

Pumanhik siya at maliit na sala agad ang bumungad sa kanya sa second floor. Prius sat on the wooden sofa and silently waited while looking around. Nangiti pa siya sa mga nakitang litrato ni Sunrise na naka-display.

"Ikaw ba iyong na-ikwento ng anak namin ni Debbie?"

Napalingon siya sa hagdan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Prius quickly gets on his feet seeing what he believes is Sunrise's father.

"Ako nga po. Prius Doncic, tito Theo." Prius stretched his arm for a handshake.

Tinanggap iyon ng ama ni Sunrise habang nakatutok ang mata sa kanya at mukhang sinisipat ang buong pagkatao niya.

"Mukhang hindi ko na kailangan pang magpakilala," anito at ngumiti.

"Madalas po kayong ma'kwento ni Sunrise sa akin. All she told were great things."

"Kasing dalas ba na kasama mo siya?" Biro nito na kinakamot niya ng batok.

"Kinda," he chuckles.

Natawa din ito. "Siya, upo ka. Si Debbie ay naghanda lang ng meryenda para sa atin."

Naupo siya kaharap ng ama ni Sunrise.

"Kumusta pala ang dalaga ko sa isla?" Tanong nito. "Sana ay maayos lang siya at masaya."

Prius smiled. "She's doing great tito. Ayos lang siya pati si Pria."

"Buti naman. Aba ay, sobrang pag-aalala ko sa dalaga kong iyon..."

Nakinig siya sa ama ni Sunrise habang nagkukuwento ito sa mga bagay na ginagawa ni Sunrise habang hinihintay nilang pumanhik si tita Debbie. Sa ugali ng dalaga na hindi palalabas at laging abala lang sa pagtulong sa karinderya.

"Oh, kain at inom ka iho." Nilapag ni tita Debbie ang mga dala nitong pagkain kapagkuwan ay naupo sa tabi ng asawa nito. "Ikaw ba Theo puro positive lang sinabi tungkol sa dalaga natin? Aba ay, gusto itong binata ng dalaga natin." Natatawang turan ni tita Debbie.

"Ay aba, oo naman. Walang bad." Kumindat sa kanya ang ama ni Sunrise na mahina niyang kinatawa.

"Hindi niyo naman po kailangan sabihin kung gaano kabuti si Sunrise. Nakakasama ko po siya, I know how wonderful she is."

Prius Scott DoncicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora