Prologue

10.7K 519 91
                                    

HAWAK ANG plato na may lamang pagkain para sa pusa niyang si Pria ay lumabas si Sunrise ng canteen na pagmamay-ari ng magulang niya.

"Pria!" Tawag niya sa pusa habang tinitignan ang paligid. "Miiiing!!!"

Napanguso siya nang walang lumapit sa kanya. Nakakainis talaga minsan ang pusa niya. Ang hirap hagilapin kapag nakakaramdam ng landi. Tapos uuwing buntis at sa kanya ipapaako ang responsibilidad dahil siya ang bibili ng pagkain. Hmph!

Huffing, Sunrise locked the door of their family canteen and trailed the street to look for her cat. Alas nuebe na ng gabi pero ang pusa niyang gala, hindi pa umuuwi. Nakakainis!

"Malanding Pria, uwi na! May pagkain ako para sayo." Tawag niya ulit. "Walang gwapong pusa sa lugar natin." Dagdag niya.

"Oh, Sunrise, hinahanap mo na naman ba ang iring mong gala?" Tanong ni manong Nilo, ang may-ari ng sari-sari store sa tabi ng canteen nila. Iring ang tawag nito sa pusa dahil sa galing itong Visayas.

"Opo, manong." Sunrise pouted. "Gabi na eh, dapat nasa bahay na iyon."

"Nako naman, hija, iyang iring, huwag mong itulad sa mga bata na dapat nasa bahay na pagdilim. Uuwi iyan kung gutom eh madalas ay gala talaga ang iring sa gabi."

"Manong naman, iniingatan ko si Pria baka mabuntis na naman. Sino mananagot? Ang mahal ng foods at ang hirap ipaampon ang nga anak niya."

Tumawa si manong. "Ay, nako, Sunrise. Alangan naman singilin mo ng sustento para sa mga iring ang amo ng makakabuntis diyan kay Pria."

Nagkibit-balikat lang siya habang nangingiti. Magandang ideya iyon. Maningil ng sustento.

"Oh, siya, do'n." Tinuro ni manong ang convenient store sa kabilang kalsada. "Nakita ko iyang Pria do'n kanina, naglalakad."

Napangiti siya. "Salamat, manong!"

"Siya, huwag ka maggagala at gabi na. Baka mapano ka." Bilin nito. "Takaw ka pa naman sa atensyon dahil maanyag kang babaye."

Tumango siya saka patakbong tumawid ng kalsada. Napabagal lang siya dahil sa nakitang mamahaling sasakyan na nakaparada sa tapat ng convenient store.

"Ang gara..." Bulong niya at hinimas ang hood. "Pahimas lang po, hindi ko naman kasi afford." Nangiti siya saka nagpatuloy sa pagpunta sa convenient store.

"Hi, ate Rain." Bati niya sa isang empleyado na naroon. "Hinahanap ko si Pria ko, nakita mo ba?"

Ate Rain smiled looking at the alley. "Oo. Andoon, bitbit nung gwapong lalaki na may-ari ng sasakyan sa labas." Turo nito sa magarang sasakyan.

Sunrise was surprised. "Si Pria ko, nagpakarga sa iba?"

"Oo." Ate Rain laugh. "Naamoy atang madatung, baka gusto magpaampon. Saka sobrang pogi si kuya, pati pusa mo napalandi." Ang lakas ng tawa nito.

Napasimangot siya sa narinig saka hinanap ang gwapong lalaking sinasabi ni ate Rain. Walang-pusong pusa! Ipagpapalit pa ata siya pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya. Matapos niya itong amponin noong kuting pa lang, basta na lang siya sasaktan.

"Mukhang perang Pria. Matapos ng lahat-lahat na pag-aaruga niya basta na lang ako iiwan." Bulong niya.

Sunrise scowled when she saw her cat being comfortably carried in a man's arm wearing a dark long-sleeve shirt.

Walang-hiyang pusa! Matapos niyang palakihin basta na lang papakandong sa iba! Sa hindi pa nila kakilala!

"Miiiing!" Tawag niya dito at pinandilatan ito.

All her attention was on her cat, glaring at it while her cat looked back at her with wide blue eyes. Unbothered.

"You ungrateful cat!" Sunrise marched toward her cat. "Hindi ka pwedeng sumama sa kanya!" Tinuro niya ang pusa niya saka nag-angat ng tingin sa mamang may karga sa malanding Pria.

Prius Scott DoncicWhere stories live. Discover now