Chapter 13

5.3K 514 123
                                    

TAKING  a deep breath with her dull eyes staring at the island that had almost disappeared from her sight, Sunrise let out a sad smile.

Umalis na lang siya sa isla ay hindi niya na ulit nakita si Prius. Nang umalis ito para pumasok sa trabaho ay hindi na ito bumalik sa bachelor pad nito.

She spent her remaining days thinking about him and wishing he'd come around because she missed his presence. Pero wala. Ang sabi ni Auri ay nasa ibang bansa ito para sa trabaho at tignan ang ilang branch ng restaurant nito.

Naiintindihan niya naman pero ang hindi niya maintindihan ay bakit walang reply ang binata sa mga mensahe niya. But maybe he just had a hectic schedule. Ganoon ata pag mga businessman walang oras para sa ibang bagay pag oras ng trabaho.

Hanggang sa nakauwi sila ni Pria ay laman parin ng isipan niya si Prius. There is just something about him that she loves. Siguro iyong pagiging gentleman nito.

That's aside from she loves hearing him laugh. Mukha itong hindi broken-hearted pag naririnig niya itong tumatawa. Sabagay, kahit naman hindi nakangiti o tumatawa ang binata ay hindi naman ito mukhang broken-hearted.

But some people are exemplary at hiding their pain and broken hearts. Prius could be one of them.

"Oh, wala bang nagtangkang bolahin ka doon, anak?"

Ngumuso si Sunrise sa naging tanong ng ama niya habang naghahapunan silang tatlo. Wala ang ate Ann Rie niya dahil sa trabaho nito.

"Wala pa. Pero..." Sunrise suppresses her giggle.

"Pero?" Tinaasan siya ng ina niya ng kilay.

"Ako may gustong bolahin doon." Humagikhik siya habang ang magulang niya ay nagkatinginan.

"At? Ano naman? Nabola mo?" Papa asked, not even mad.

Sunrise pouted. "Nope. Masyado siyang matalino para magpabola. Sinabi ko nga sa kanya liligawan ko siya pero mukhang ayaw niyang maniwala."

"Ikaw? Manliligaw?" Nandilat ang mata ng mama niya. "Uy! Anak, sa ganda mong iyan eh, hindi mo na kailangan manligaw."

"Oo nga anak." Segunda ng papa niya. "Si mama mo lang iyong nanligaw sa akin dahil hindi naman siya kagandahan." Malakas na tumawa ang papa niya na sinabayan niya.

"Hoy!" Pinalo ng mama niya si papa sa balikat nito. "Ang kapal naman ng mukha mo, Theo! Aba, ikaw kaya itong naghabol sa akin pagkatapos!"

Sunrise grinned, looking at her parents who now banter about their past. Totoong ang mama niya ang nanligaw sa papa niya noon base sa kwento ng dalawa. Kaya din siguro naging madali para sa kanya na sabihing liligawan niya si Prius dahil alam niyang ginagawa naman iyon ng ibang babae. Ang mama niya ang isa doon.

"Ah, basta, anak—" Binalingan siya ng mama niya. "Huwag mo akong gayahin. Dapat sayo ang lalaki ang naghahabol. Kayo ni Ann Rie, dapat kayo ang nililigawan dahil parehas kayong maganda. Abah! Ang swerte naman ng lalaki kung kayo pa manliligaw."

"Oo nga, anak. Saka, sino ba iyang liligawan mo?" Usisa ng ama niya.

Sunrise smiled. "Binata po sa isla. Kapatid ni Auri."

Suminghap ang mama niya. Natahimik naman ang papa niya. Kapagkuwan ay parehong sumeryoso ang dalawa.

"Mayaman?" Papa asked.

Nodding, Sunrise added, "Sobra ho. Myembro po siya ng club sa isla. May ari ng mga restaurant."

"Anak, seryoso ka ba? Baka naman may nakain ka lang doon—"

"Debbie, ano ka ba, kailan ba nagbiro ang anak natin tungkol sa bagay na ganito?" Putol ng ama sa ina niya.

Bumuntong-hininga ang mama niya. "Anak, ayos lang naman sa amin magkagusto at magboyfriend— kahit ikaw na ang maligaw kung trip mo, pero, sa ganoong kayaman ba talaga?"

Prius Scott DoncicWhere stories live. Discover now