Chapter 22

6.3K 560 81
                                    

NAGMAMADALING kinuha ni Sunrise ang biniling bulaklak at chocolate nang makita niya si Prius na kadarating lang ng opisina.

"Excuse muna ako, bigay ko lang 'to kay boss." Paalam niya sa dalawa niyang katrabaho na agad napangiwi.

Hinawakan siya sa braso ni Hearsay. "Seryoso ka talaga na liligawan mo si boss?" Nakangiwi nitong tanong.

"Oo nga. Sabi ko naman kanina diba?" Sunrise smiled. "Hindi naman ako nagbibiro."

Binitawan siya nito. "Okay." Nailing ito saka tumalikod. "Parang ako iyong lulubog sa hiya."

Nabura ang ngiti niya at sinulyapan ang isa niya pang katrabaho na pilit siyang nginitian bago tinalikuran.

Napatingin siya sa hawak niyang bulaklak at cookies. Nag-usisa ang mga katrabaho niya kanina nang makita iyon at tinutukso siya. Sino ang nagbigay, pero nang sinabi niyang binili niya iyon at ibibigay niya kay Prius ay para siyang tumanda sa mismong harapan ng mga ito. They were utterly shocked.

Mas lalo iyong nadagdagan ng sinabi niyang nililigawan niya ang boss nila nang tinanong siya ng mga ito kung ano ang okasyon at bibigyan niya si Prius ng regalo. Hindi naman kasi kaarawan ni Prius. Some of them blatantly told her she was crazy and she shouldn't be doing it, others grimaced— silently but obviously frowned at her decision.

Pinagkibit-balikat niya na lang iyon. Si Prius nga na siyang nililigawan niya hindi nagrereklamo at walang sinabing kung ano. He was even asking for it.

Sunrise shook her head and went to Prius' office. Kumatok muna siya at nang marinig na pwede pumasok ay doon niya na binuksan ang pintuan.

"Magandang umaga, Prius!" Sunrise greeted him with a jolly smile.

Mula sa laptop ay tinignan siya nito. "Good morning, Sunrise. You need something?"

Lumapit siya sa mesa nito at nilapag ang bulaklak at chocolates. "Para sayo. Binili ko na ang bulaklak dahil sumahod ako kahapon," she grinned.

Prius chuckles, taking the red camellias. "Thanks. Akala ko nakalimutan mo na na may nililigawan ka."

Ngumuso siya. "Malabo."

Prius hummed, staring at her without a word.

Wala sa sarili siyang napakamot ng pisngi. "Sige, balik na ako sa trabaho. I just wanted to give you the flower and the sweets."

"Sure," anito.

Nginitian niya ito saka lumabas. Iyong puso niya kinakain ng lungkot.

Prius seems different... Even distant despite his smile. Halata rin na stress ito.

But maybe he's just tired. Ilang araw itong wala at hindi umuuwi ng bachelor pad. Hindi niya rin ito nakakausap o nakakapalitan ng mensahe. Ang sabi ni Auri ay lumabas ito ng isla for business kaya siguro hindi ito sumasagot sa nga mensahe niya tulad noon. Siguro mamayang tanghali mas makakausap niya ang binata tutal lagi naman silang sabay na kumain pag nasa restaurant ito.

Kaya naman ay pilit niya hindi ininda ang lungkot at nagtrabaho na parang masaya ang araw niya. Expecting to spend her lunch break with Prius, pero umalis ito kaya mag-isa na lang siyang kumain.

Mag-isa dahil bigla na lang lumayo sa kanya ang ibang katrabaho niya na waitress. She didn't mind though. Basta maayos siyang nagtrabaho ay walang problema kahit hindi siya pansinin ng mga ito at hindi kausapin ay ayos lang. Walang mawawala sa kanya.

Matapos ang shift niya ay nagbanyo muna siya at kalalabas niya lang nang marinig niya ang usapan ng dalawang kasamahan niya sa locker room— sina Chika at Hearsay.

Prius Scott DoncicWhere stories live. Discover now