Chapter 15

5K 477 51
                                    

MATAPOS linisin ang mesang nabakante ng kaaalis lang na kostumer ay inayos naman ni Sunrise ang mga upuan.

She was busy with what she was doing when her father came out rushing from the kitchen. Tatawagin niya sana kung ayos lang ba ito nang pinigilan siya ng ina niya.

"Umakyat ka na muna sa kwarto mo, anak." Utos nito.

"Pero ma-"

"Huwag na matigas ang ulo. Akyat na." Tinulak na siya nito at wala siyang nagawa kundi ang pahapyaw na tignan kung ano ang nasa labas.

Sunrise frowned when she saw just the small front part of a black car. Nagmadali siyang umakyat sa silid niya saka sumilip sa bintana.

There bellow, parked in front of the shop beside their canteen, she saw a black SUV with her father standing beside the front door of the car, talking to somebody who was inside the car.

Matagal na noong huling may nagpunta sa kanila na itim na sasakyan tulad ng dati. She wonders what happened and why they suddenly stopped visiting their place, but now they have come back.

At tulad parin ng dati, kitang-kita niya sa magulang niya ang pagkabalisa. Pero hanggang ngayon ay wala parin siyang alam sa kung sino ba ang mga taong nasa loob ng sasakyan at ano ang kailangan nila.

Sunrise watches her father visibly angry and upset. Gustuhin man niyang puntahan ito, ayaw niya nang dagdagan pa ang alalahanin ng mga ito. But she won't stop this time until they tell her who are those people and what they want.

Pagkaalis ng sasakyan ay patakbo siyang lumabas ng silid niya nang makita ang papa niya na nagmamadaling pumasok. Pagkababa ay nakita niya itong kausap ang mama niya na nasa labas ng pintuan papasok ng karinderya.

"Sinong kausap mo sa labas, pa?" she asked after stepping outside of their canteen.

Nagkatinginan ang magulang niya.

"Wala anak. Mamaya na natin pag-usapan at marami pa tayong trabaho." Sagot ng ama niya at agad na bumalik sa loob ng kusina.

Atubili siyang tumango at pilit na binalik ang ngiti ng mama niya. Sinundan niya ang dalawa ng tingin saka sinulyapan ang kalsadang tinahak ng kakaalis lang na sasakyan.

Sunrise sighed and looked at the other side of the road. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang isang mamahaling motorbike na nakakuha ng atensyon niya.

It's not because of how cool the bike was. It was the driver that was sitting on it. Walang helmet ang lalaki kaya kita niya ang mukha nitong pamilyar sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita.

Sunrise made contact with the man's gaze before looking at his smirking lips. Kumunot ang noo niya nang gumalaw iyong na parang may sinasabi sa kanya. To her surprise, she was able to read his lips.

Soon. You are mine.

Nagsuot ito ng helmet saka binuhay ang motorbike at maingay na umalis.

Following the motorbike with her gaze, Sunrise tried her best to remember where he saw the man. After a while, she gave up and turned around to get back to work only to stop by the door when she suddenly remembered when and where.

Natulala siya.

Hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang lalaking hambog na basta na lang tumabi sa kanya sa bench at hinawakan siya sa pulso noong nasa isla siya.

What is he doing around here?

Nangunot ang noo niya.

Hindi kaya...

Is he stalking her?

If that's the case, the man has a very low chance of knowing everything about her when she doesn't know everything about herself either. Hindi rin siya umaalis ng bahay nila kaya malabong malapitan siya nito at magawan ng kagaguhan.

Prius Scott DoncicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon