Chapter 20

5.6K 497 121
                                    

"THANK you for coming, sir, ma'am."

Matamis na nginitian ni Sunrise ang mag-asawang kostumer matapos maingat na mailapag ang order ng mga ito kapagkuwan ay pumihit siya upang bumalik sa counter.

"Oh? Kumusta unang araw?" Usisa ng katrabaho niyang si Weng na kababalik lang din.

"Ayos lang." Nakangiti niyang tugon. "Sanay naman kasi ako dahil sa all around ako sa karinderya ng mama at papa ko."

"Aah...sabagay. Kumbaga may experience ka na."

Tumango siya.

"Hindi ka pa ba magpapahinga? Kain muna tayo. Tapos na sina Hearsey at Chika, sila na muna bahala mag serve." Yaya nito.

Tumingin siya sa opisina ni Prius na sarado. "Uhm...sige pero tignan ko muna pusa ko at si boss."

Weng arched her brow. "So, hindi pala basta chismis lang na close kayo ni boss Prius, totoo pala."

Bahagya siyang napalabi sa narinig. Pinagchi-chismisan pala ako...

Hindi naman nakapagtataka. Sa dami ng chismosa sa karinderya mula sa mga estudyante, teacher, driver, at iba pa ay nanainiwala na siyang laganap talaga ang mga chismosa. Minsan isa nga rin siya.

Ang tanong...

Ano kaya pinag-uusapan ng mga katabaho niya tungkol sa kanya?

Sana naman hindi kung ano-ano lang at sana walang galit sa kanya o inggit dahil sa pagiging malapit niya kay Prius.

Sunrise coyly smiles. "Oo. Kaibigan ko kasi ang kapatid niya— si Auri — kaya naging malapit narin ako kay boss."

Weng nodded.

"Ano ba chismis tungkol sa akin?" Hindi niya mapigilang itanong.

"Wala naman. Usapan lang iyong pagiging malapit niyo ni boss. Iyong sabay kayo pumasok at kumain."

Sunrise looked around to see some of her co-workers. "Wala naman sigurong galit sa akin, no?" Nag-aalala niyang tanong.

Helena chuckled and gently tapped her shoulder. "Wala. Ano ka ba. Usapan lang walang galit. Saka bakit naman may magagalit?"

"Malay ko...baka may..." she trailed, unable to say it.

"Baka may kung sino na may gusto kay boss? Magselos?" Weng shook her head, smiling. "Syempre meron pero mga naka-move on na sila sa pagkahalina sa pagiging hunky ni boss. Kumbaga wala na lang. Lahat naman kasi ng andito ay kung hindi may asawa, eh may boyfriend."

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig.

"Saka, kahit naman ano gawin ng kung sinong magkakagusto dito kay boss ay wala silang laban. Mga model, sexy, matalino, at galing sa alta mga naging girlfriend ni boss. Kumbaga, top tier yung mga type niya." Tumawa ito. "No chance ang mga empleyado lang sa kompanya niya."

Natigilan siya. Empleyado siya ibig sabihin kahit ligawan niya si Prius, wala parin. She's out of his league.

But...there is nothing wrong with trying. Saka ngayon pa ba siya titigil gayong meron na siyang tyansa na mas maligawan ang binata dahil malapit sila sa isa't isa. Hangga't hindi ito nagmamahal ng iba ay manliligaw siya pero oras na may nagustuhan na ito at hindi siya, she's willing to give up and move on.

"Oh, sige na, tignan mo na pusa mo. Tanongin mo narin si boss kung gusto niya nang magpahatid ng pagkain." Tapik nito sa kanya.

Nodding, Sunrise headed to Prius's office. Kumatok siya at hinintay muna na papasukin siya ng binata bago niya iyon binuksan.

Prius Scott DoncicWhere stories live. Discover now