"Oo, gusto kong kumaen!" sagot ko

Ilang sandali lang at nakahanap na kami ng makakainan

Umorder ako ng pagkaen para saming dalawa ni Dean, nang makuha ko yung order ko sabay kaming kumaen

"Jema, diba hindi naman ako sasama sa business meeting nyo?" tanong nya sakin habang kumakaen

"Oo" maikling sagot ko

"Eh anong gagawin ko kapag wala ka?"

"Edi mamasyal ka..."

Nag-isip sya

"Hmmm... sabagay! Maganda naman don diba?"

Tumingin ako sakanya

"Oo, pwede kang mamasyal pero bawal kang maghanap ng babae don, maliwanag?!"

Napangisi sya habang nakatingin sakin

"Selosa naman ng girlfriend ko!"

"Ang kapal! Ibig kong sabihin wag kang maghahanap ng babae don! Baka makahalata sila!" irap ko sakanya

Inilapag nya yung kutsara nya pagkatapos tumingin sya sakin

Napalunok ako nang ilapit nya sakin yung mukha nya

"Hayaan mo, magiging loyal at sweet ako sayo habang nandon tayo" sabi nya sakin

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, pero hindi ko pinahalata iyon

"D-Dapat lang no! K-Kumaen kana nga lang dyan! Ang dami mong sinasabi eh!"

Tumawa sya

"Okay babe!" sabi nya habang nakangiti

Babe mo mukha mo!! >_<

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ilang oras pa yung lumipas at nandito na kami sa Boracay, magkasama kaming dalawa ni Dean sa iisang kwarto

"Talaga bang magkasama tayo dito??" tanong nya sakin habang nakaupo sa kama

"Oo, syempre bawal kang tumabi sakin, don ka sa sofa matutulog, baka mamaya mapagsamantalahan mo ako eh!" sagot ko

"Grabe! Sayo nga ako kinakabahan eh!" rinig kong bulong nya

"Ano?!" tanong ko kahit narinig ko naman

Tumango sya

"Wala, sabi ko nga mas gusto ko dito sa sofa..."

Inirapan ko sya

"May meeting ba kayo ngayon?" tanong nya sakin

Umiling ako

"Wala, bukas pa yung meeting namin" sagot ko

"Free time nyo pala ngayon... mamasyal kaya tayo?"

Tumingin ako sakanya

"Yan naman talaga yung balak ko, gusto ko ding mag swimming.." sagot ko

"Sige, magbibihis lang ako" paalam nya sakin

Kumuha sya ng damit sa bag nya pagkatapos pumasok sya ng CR

Yung totoo hindi ako sanay na may ibang kasama sa iisang kwarto, nasanay ako na si Fhen lang yung kasama ko

Pero wala naman akong magagawa kundi ang tiisin na kasama dito si Dean...

Inihanda ko na din yung damit na susuotin ko, dahil may balak akong mag swimming susuotin ko na yung 2 piece ko, papatungan ko nalang muna ng short at sando

Ilang sandali lang at lumabas na si Dean ng CR, nakasuot na sya ng short at sando

Ang pogi naman...

For The First TimeWhere stories live. Discover now