Chapter 26

7 0 0
                                    

26| Things that you Miss







Sitting by the window
Singing songs of love
Wishing you were here
Because the memory's not enough

Naglalakad ako sa may hallway ng mansion nang may marinig akong tunog. Malakas iyon, parang tunog ng piano kaya naman napabalikwas ako mula sa nilinisan kong malaking sala ng mansion. Tunog kaya iyon ng piano na nakalagay sa sala? Baka ginamit nanaman kasi ito ng isa sa mga anak ng mga Sobresaliente?



Si Imuthis, Burn Allascar, at Chelcious Sobresaliente. Silang tatlo ay magkakapatid at lahat sila ay marunong kumanta. Kaya naman sa tuwing maririnig ko ang piano ay hindi na ako nagtataka minsan kung bakit ito tumutunog. Malamang, gamit nila ito. Si Imuthis lang ang madalang na kumanta sa kanilang tatlo. Ni hindi ko pa ata nakita iyon na kumanta sa harap ng maraming tao, pero minsan tila ba may naririnig ako bigla sa kuwarto niya na kumakanta. Hula ko ay siya iyon, alangan naman kasing si Burn at Chelcious eh, may sari-sariling kuwarto naman sila.





Isa pa, hindi ko masyadong pinakikialaman ang magkakapatid, lalo na si Imuthis, hindi pa kasi ako non nakikita. Bago lang ako, nalaman ko nga lang ang pangalan niya sa isa sa mga matandang nagta-trabaho rito sa mansion.




Dahil sa kyuryusidad ko ay lumapit na ako ngunit dahan-dahan akong naglalakad. Ayukong mabulabog kung sino man ang kumakanta sa may sala. Mahirap na, binuo pa niya ang confidence niya sa pagkanta mag-isa tapos ako lang ang makakasira. Hindi makatarungan iyon.





It may be hard to believe
But girl you're the only one I need
It may be hard along the way
It's this feeling I get when blue skies turn to grey



Papunta na siya sa chorus nang narating ko ang dulo ng hallway na papunta sa sala, at mula doon ay nakita ko ang isang tao na kumakanta habang nakaupo at nagpa-piano.Nakakamangha ang laki ng balikat niya, sa tingin ko ay hindi ito si Burn. Kung si Chelcious man ito, dapat ay nakadamit siyang pantrabaho. Lagi iyong nasa trabaho eh, kaso ang taong narito ngayon ay wala sa dalawa. Kundi, ito ang taong ngayon ko lamang makikita pero kilala ko na kung sino, si Imuthis.



Nagpatuloy ito sa pagpa-piano hanggang sa narating niya ang chorus. Kinanta niya ang chorus at hindi maikakailang kakaiba ang boses na meron siya. Ang ganda, yong vibes ng boses niya parang yong bandang A1. Katak-takang madalang siyang kumanta sa harap ng tao pero ang ganda naman ng boses niya...bakit kaya? At bakit kaya napakanta siya ngayon?



Feels like I'm walking in the rain
I find myself trying to wash away the pain
Cause I need you to give me some shelter
Cause I'm fading away
And baby, I'm walking in the rain



Pagkatapos niyang kantahin ang chorus ay tumigil ito bigla. Kahit nasa gilid lang ako ng dulo ng pundasyon ng hallway at nanonood nabitin din ako. Bitin! Sana tinapos niya–




" I can see your reflection from here." Bigla niyang sabi. Nagtaka naman ako dahil wala namang lyrics na ganoon ang kantang Walking in the Rain by A1. Saan naman niya nakuha iyon?




Maya-maya ay tumayo ito at unti-unting humarap, sa akin. Natigilan naman ako ng mapagtanto ang binanggit niya kanina.  " Come out already...nakita na kita. " Aniya habang nakatingin sa direksyon ko. May nakaharang na malaking paso sa sinisilipan ko dito sa dulo ng hallway, so paano niya ako makikita. Baka naman may iba siyang tinatawag bukod sa akin? Sa pag-iisip non ay hindi na ako nagpakita hanggang sa bigla na itong umalis sa pwesto at biglang naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Mabilis siyang naglakad.
Sa haba ng biyas niya, mabilis siyang nakarating sa kinarorounan ko.



-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now