Chapter 4

30 11 0
                                    

FOUR




Fight For You




****




Phone:

" Chill Phima, maybe he just really want to explain-" ani ni Geof na sinusubukang pakalmahin ako.



" Explain?-Explain my foot! Five years had passed Geof at ngayon niya lang naisip na magpaliwanag? Ano 'yon delayed?" Iritang sagot ko.



Mula sa Parking lot hanggang pag-uwi ko ay dala-dala ko ang galit ko. Hindi ko na rin napigilan pang sabihin kay Geof ang nangyari dahil hindi ko na talaga kaya.


Phone:

" Why not? Seraphima... don't always listen to your one sided side. Malay mo ay ganoon nga ang dahilan o kaya ay mas may malalim pang dahilan." Paliwanag niya sa akin.



Hindi ko alam kung kinakampihan niya ba ang lalaking iyon o ano. Pero, isa lang ang masasabi ko. I will never listen to that man ever again, he doesn't deserve my attention so why would I give it?



Binigay ko ang buong atensyon ko sa kaniya noon pero sinayang niya lang.



" Geof? Sino ba ang kakampi mo rito? Hindi ba ako? Stop fighting for his side-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumabat na siya.

Phone:

" Hayy na'ko! I don't know..and F.Y.I I am not fighting for him, 'cause you're the one who keep having a fight with him. Huwag niyo akong dinadamay sa L.Q at sa past niyo!" Aniya, halos ilayo ko na ang cellphone ko sa tainga dahil pasigaw na ang pagkakasabi niya ron.



Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.



Na stress ata siya...

Phone:

" Hayy na'ko Seraphima.." napatigil siya bago nagpatuloy, ako naman ay nakikinig lang. " Just get over it, check your email." Utos naman niya sa akin, hindi na ako umangal pa kahit gustuhin ko pang magkwento.



Binuksan ko na lamang ang laptop ko at cheneck ang email na sinasabi niya.
" Someone booked you a one week vacation.." kumunot naman ang noo ko dahil doon. Siguro ay ibinook nanaman ito ng isa sa mga taga hanga ko.




Ganoon kasi, minsan ay nagtataka na ako at paanong inilalaan nila ang ibang bagay para sa akin kahit hindi ko naman sila lubusang kilala. Kahit na hindi ko sila nakikita. Pero bukod sa chocolate, laptop, dress, sapatos na may brand na mamahalin na galing pa sa ibang bansa madalas ay mas malaking gatos ito kung tutuusin.




Nagtaka ako sa pag-iisip. Ga'no naman kaya kayaman ang fan kong 'to?



Wala pa naman sa isip ko ang mag bakasyon kaya hindi ko na muna tatanggapin.



" Who is it? " Tanong ko.

Phone:

" I don't know, Basta sabi sa'kin fan na fan mo raw since birth." Sagot niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinasabi niya pero sige na lang.


" No, I don't want to accept it. Isa pa, nag e-enjoy pa'ko sa trabaho, I don't need it for now. Paki-reserve na lang kung pwede." Pagtanggi ko dahil sayang rin kung papalagpasin ko ang ibang offer sa'kin na mga projects.




-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now