Chapter 7

24 11 1
                                    

SEVEN

Fight For You

" Feels like it's still not enough to fight for you."




***





INIS akong naka sampa sa head board ng kama ko habang hawak-hawak ang telepono malapit sa aking tainga. Kausap ko nanaman si Geof at ikwene-kwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin noong nakaraan.




Kung paanong nalaman ko na si Imuthis ang nag arrange ng private dinner hanggang sa matagpuan ko ang sarili kong nakahiga at tumuloy sa bahay niya dahil nalasing ako.




Napakamot ako at nasapo ko ang aking noo sa pag-iisip.




Hindi ko naman talagang intensyon na maglasing! Ang balak ko lamang ay kumain na sa harap niya dahil iyon ata ang gusto niya. Hanggang sa nauhaw ako at ang una kong nakita ay ang bote ng red wine na hindi ko alam ay matapang pala.




Nakakainis!




Parang namuo pa tuloy ang katiting na utang naloob ko para sa kaniya dahil hindi niya ako hinayaan sa lugar na iyon at basta na lamang iwan. Pero hindi!




Hindi dapat ako nagkakaroon ng malalim na utang na loob sa kaniya dahil siya naman ang nagkusang iuwi ako at tulungan. Malay ko bang baka ginagawa niya lamang iyon ay dahil gusto niya uli makuha ang simpatya ko.




Hindi na'ko magpapa-uto!




Hindi na ako marupok!




" See? Mas okay na lang pala na hindi ko na itinuloy ang meet up na iyon! Parang nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob doon sa gago." Inis na sabi ko sa kausap ko.



Phone:

" Tsk.. just be thankful he didn't let you stay in that place Ms. Sober, kahit pa masasakit ang sinasabi mo sa kaniya. He still took care of you while you're drunk." Kontra naman sa akin ni Geof.




Hindi ko talaga alam kung kanino kumakampi ang isang ito minsan. Bwesit!





Minsan ay parang gustong-gusto niyang sakalin sa leeg si Imuthis kapag naaalala niya ang pagtaboy sa akin ng lalaki. Kapag naman naiinis ako kay Imuthis parang ipinaglalaban naman niya ito na akala mo ay hindi siya nagbalak ng masama sa kaniya.






" Geof! Ano ba talaga? Minsan inis ka sa kaniya, minsan naman hindi.Ano ka ba? " Pagmamaktol ko sa kaniya.





Narindi na lamang ako nang marinig ko na siyang pumapalatak ng tawa sa kabilang linya. Baliw talaga ang manager na ito!




Buti at natatagalan ko siya bilang manager kahit hindi siya sigurado sa disisyon niya sa buhay.




" Tss.." mahina kong usal. Maya-maya ay humugot na ako ng malalim na paghinga bago iniba ang usapan.




Oras na para balikan ang totoong topic kung bakit kami mag-kausap ngayon. At iyon ay syempre dahil pa rin sa aking anak.




" Geof, any update sa anak ko? Is the plate number visible now?" Seryosong naitaning ko.




Kating-kati na talaga akong mahanap ang anak ko. I am doing everything as long as I can. Pero bakit pakiramdam ko ay tila napakatagal ng proseso kahit na may tumutulong na sa akin? Bakit pakiramdam ko ay kulang pa rin ang paghahanda ko para mas mapalapit ako sa anak ko?





-FIGHT FOR YOU-  Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu