Chapter 13

13 5 3
                                    

Thirteen


Fight For You

" THIS IS REALITY "

...





SHIT. I need to focus! Seraphima focus! Kahit ngayon na lang...mag focus ka!



Ang mga salitang iyan ang sinasabi ko sa loob ng isip ko. Ewan ko ba sa sarili ko! Nakakaloka. Kaunting ulit pa at mababaliw na ako.



Nandito ako sa Baguio. Kababalik ko lamang dahil itutuloy ko na ang naudlot naming shoot. Dapat nga ay ipapa-cancel ko sana ngayong araw kung kaya ko lang eh..kaso parang hindi at parang hindi ko na rin kaya ngayon.



" Ms. Cassanova..come on.. what's happening? Kanina ka pa nagkakamali sa mga lines mo! Naka-ilang take na oh.." Nagkakamot na ulo na bulyaw ng direktor.




Fuck. Why do I keep on messing up? Bakit ngayon pa? Alam mo kahit ngayon lang Seraphima huminahon ka muna, kumalma ka at mag focus kung maaari! Sayang ang makukuha mo rito kapag pumalpak ka.



" P-pasensya na Boss.." Paumanhin ko kay Boss B.S



Ngayon ko lang na encounter si Boss B.S. Balita ko bago lamang siya ngunit madami na siyang project na nagawa. But I didn't expect him to be like this..apaka strict at masyadong mainitin ang ulo. Demanding rin.



Boss B.S ang gustong tawag sa kaniya dahil iyon daw ang mas hiyang niya. Ayaw niya ng Direk.



I mean naiintindihan ko naman na kailangang matapos ito kaagad pero.. hayysst–sige na kasalanan ko na nga. Wala na'kong masisisi pa kundi ang sarili ko dahil sa nangyayari ngayon.



" Okay fine! One more..from the start! " Nawawalan ng ganang aniya.



Inulit ko uli ang line ko. Yong sa Quepoche soap. Pero napamura na lamang siya ng paulit-ulit nang muli akong magkamali.



" Putang ina naman oh! Geof! Ganito ba ang tawag mo sa magaling na artist? Simple line lang para sa commercial hindi maperfect! Bwiset'!" Kamot ulong aniya tsaka padabog na ibinato ang mga script na hawak niya.



Nahihiya ako..at naiiyak sa kaparehong oras.



Hindi ko alam kung bakit..siguro ay dahil don sa nangyari kahapon. Si Kirby...


Unti-unting humapdi ang gilid ng mga mata ko bago nag unahang tumulo ang luha ko. Nakakainis!


" You know what Cassanova? Tittle holder of best actress of the year. Maybe you need rest..a very long rest! Magpahinga ka muna bago niyo pa masira ang araw ko." Aniya habang nakahalukipkip sa harapan ko.



Maya-maya ay narinig ko ang yabag ni Geof. Hindi ko man tignan ang muka niya dahil ayukong ipakita kung ano ang emosyon ko ngayon pero sa dating ng pabango niyang Blu atlas Atlantis ay alam kong siya iyon. Dagdag mo pa na sobrang kinang ng suot niyang Loafers.



" What do you mean rest? Come on give her another shot–" naudlot ang salita niya.



" Another fucking shot?! I already gave her many shots and those shot became shit! " Padabog siyang tumalikod mula sa amin.


Ewan ko ba pero simula pa kanina, noong kararating namin ay ganyan na siya. Mainit kaagad ang ulo kahit pa nakabisa ko naman kaagad kanina ang line ko. Kaso..pinaulit niya kasi ayaw niya raw ang emosyon na ipinapakita ng mga mata ko.



-FIGHT FOR YOU-  जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें