Chapter 24

1 0 0
                                    

24| A visit to a pain of past





I WANT TO KNOW THEM.


The people who took my son away from me. The people who didn't had the time to think about me. Ang mga taong hindi man lang nagkaroon ng konsensya at awa sa akin, sa amin.



Paluwas na kami sa Baguio ngayon, at habang palapit na palapit kami sa lokasyon ay mas lalong lumalakas ang pakiramdam ko na nalalapit ko ng makamit ang daan papunta sa aking anak. Ang batang inilayo nila sa akin sa matagal na panahon. Sana lang ay umamin itong si Thomas Vergara ng maayos at di nag mamaang-maangan. Wala na akong panahon pa para sa mga pagsisinungaling, because I'm done being a fool.



Not just to myself but for everyone.


Once I found my son, I would give him the love of mine that he missed to have for five years. The love no one deserves, except for my son. Kaya sana lang ay mas bumilis ang mga pangyayari para mapalapit na'ko sakanya, para makita ko na siya.



Makaraan ang ilang oras ay nakarating na kami sa syudad ng Baguio, another time was used for us to reach the location of the man, named Thomas Vergara. Just like what Geof said, he lives in XXX Street. Tumigil kami sa isang kalsada, kaharap nito ang isang malaking bundok, at sa taas non ay may bahay. Ganoon naman halos lahat ng bahay sa Baguio, kumbaga kadalasan ang mga bahay ay nakatirik sa toktuk ng malaking tipak ng bato o bundok.




We parked our vehicle in front of a house. Ang bahay ay simple lamang, may mga ibang parte ng bahay na gawa sa kahoy at ang ibang malalaking bahagi ay gawa sa semento. Maya-maya ay may lumabas na tao mula sa labas ng bahay. Ito ay isang babae, that I think is in her twenties. Nang mapansin kami nito ay naglakad ito upang makalapit siya sa amin, hanggang sa tuluyan na siyang nakarating sa harap ng gate nila.




" Hi, good day. We're looking for Thomas Vergara. Dito ba siya nakatira?" Maya-mayang tanong ni Geof.



" Uhm..tatay ko po siya. Bakit niyo po siya hinahanap? Ano pong kailangan nila? " Tanong ng babae sa amin. Kasabay ng pagtatanong niya ay siya namang dahan-dahan niyang pagbukas sa maliit nilang gate.



" We have something important to discuss.. It's... something personal.." Sagot ko. " Please, take us to him–"


" Modesty?! Ano ba't ang tagal mo diyan sa baba?" Maya-maya ay lumabas ang hindi ka-tandaang lalaki. Sa palagay ko ay nasa fifty's lang ito. " Sino ba ang mga iyan? " Tanong niya na nag-uusisa.



Dahil sa nakatirik ang bahay nila sa mataas na bahagi ay kinailangan ng matanda na bumaba mula sa kinatitirikan ng bahay. Nang tuluyan itong makababa ay nakita na niya kami, tila ba natigilan ito nang makita kami. Lalo nang madako ang tingin niya sa akin..



Biglang napakunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay. " A-anong kailangan nila? " Tanong niya sa amin habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin.



" Sa tingin ko po alam ninyo kung bakit
kami nandito.." Simpleng sagot ni Geof.


" Tay, kilala mo ba sila? Hanap ka eh." His daughter asked out of curiosity.


" H-hindi, hindi ko sila kilala. Hindi ko pa sila nakikita." Pagmamadali nitong sagot. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod siya at naglakad, papahakbang na ito sa pahagdan na bato ngunit hindi ko hinayaan iyon.



-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now