Chapter 19

7 2 0
                                    

Nineteen

Fight For You

" The thing that you're lack of, is the thing that I crave for."





~•~

Umuwi ako na tila ba walang gana. Alam ko naman na iisa lang ang dahilan kung bakit. Kung bakit ako parang lantang gulay ngayon...


It's all about what happened bago ako makauwi. Lahat nang nangyari kanina ay dala-dala ko pa rin hanggang sa makauwi kami. Hanggang sa makapag-shower ako, hanggang sa nakapang-ayos tulog na ako ay ganoon pa rin. Mabigat pa rin...


Hindi ko makalimutan...at parang sa tingin ko ay matatagalan nanaman bago maghilom at malimot nang tuluyan.


At sa bawat oras na paulit-ulit nagre-replay ang lahat, mula umpisa at hanggang sa huli ay mas nadagdagan pa ang bigat at sakit nang nararamdaman ko. Bakit ba ganito? Bakit ganito kung pwede ko namang kalimutan kaagad, di ba?


Ang kaso hindi eh..

Hindi ko ata makakalimutan dahil habang gusto kong makalimot pilit na ipinapaalala sa akin.


Sa pag-iisip habang nakahiga sa sofa na kaharap nang terrace dito sa aking kuwarto ay sumasakit lang lalo ang utak ko. Dagdag mo pa na malamig ang simoy nang hangin na nagdadala nang pakiramdam na sobra akong nag-iisa katuwang ang kalungkutan.

Pwede bang makalimot na lang?

Pwede bang ma-reset na lang ang kabuuan nang utak ko? At ituon na lang ang lahat sa pangungulila sa anak ko? Sa totoong may koneksyon sa akin. Hindi yaong para akong nagsisisi rito na sinabi ko ang totoo kay Kirby, na hindi ko na sinakyan pa ang mga imahinasyon nang isip niya.


Pero ba't naman ako magsisisi? Dapat nga ay kung hindi dahil doon ay hindi siya malilinawan. Ang alam ko lang na naman na dapat kong pagsisihan ngayon ay ang pagkonsente sa sarili kong emosyon..


Na hindi sana sasama ang loob sa akin nang isang bata kung una pa lang hindi ko na pinahintulutan ang mali.


Guess what?...I failed a child just because of my emotions... that in the first place dapat hindi ko na pinakinggan..



NAGISING ako sa malalakas na katok na kanina pa paulit-ulit. Nagising na ako kanina pero inidlip ko lang ulit dahil tinatamad pa talaga akong bumangon, isa pa masyadong maaga nang magising ako. Alas singko nang umaga at hindi iyon ang normal na gising ko.


Nag-unat ako nang kamay nang makaupo na, napahikab ako at kinukusot ang mata ko bago tuluyang kinuha ang buong lakas ko para tumayo at tunguhin ang pinto.

Tamad kong pinagbuksan ang tao ng pinto. Tanghali na ba?

" What isi it-"


Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko nang sumingit na ang matinis na boses.
" Maaaammm...jusku.." Sa matinis na boses niya ay tuluyan akong napamulat nang mata.



Si Manang Hilda.



" Maaammmm.. na'ko! Kaguwapo! " Nanlalaki ang mga mata niya kasama ang tuwa at pagkataranta.


" Ha? " Kunot noong tanong ko na wala pa rin sa mood.


Aga-aga ba't ba natili ang babaeng ito?


"  Pogi! Sa baba ma'am. May pogi! " Tili niya pa rin, napapakamot ako dahil sa pinagsasasabi niya. Pogi? Baka maganda talaga. Kaming dalawa lang naman dito, at babae kami pareho.



-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now