Chapter 20

7 1 0
                                    

Twenty

Fight For You

"  The soul you broke was the one you once complete."

...



It's not the flowers
Wrapped in fancy paper
It's not the ring,
I wear around my finger



NAGSIMULANG tumugtog ang kanta na nangagagaling sa baba, sa malawak na hardin nang mga Sobresaliente, dito sa Casa. Birthday kasi ngayon nang Isa sa mga kapatid ni Imuthis. Yaong pangalawa.



Malaki ang handaan na prenepare para rito. Kung tutuusin ay para itong fiesta dahil bukod sa maraming handa ay bigatin rin ang mga bisita. Mga mayayaman.


Syempre! Talagang mayayaman..eh mayaman ang may birthday eh.



Nakakalula ang handaan sa baba habang pinagmamasdan ko gumalaw lahat nang mga bisita roon, kaaakyat ko lang kasi rito. Kasama ako sa mga naseserve nang pagkain kanina, ang kaso ay mukang kaya na rin naman nila Nameberry at nang iba pang mga kasambahay kaya...umakyat na'ko.




Hoi...hindi sa pang aano ha pero kanina pa'kong umaga sa baba, nang aayos at kung ano-ano ang inaayos tapos nang nagsidatingan ang bisita ay ako ang nag seserve sa kakainin nila. Tapos pinaakyat ako rito dahil lilinisin ko pa ang mansyon para sa mga taong gustong pumasok.




Katatapos ko nga lang eh kaya namamahinga ako rito sa may balkunahe, sa pangalawang palapag. Medyo madilim rito kaya kampante akong walang nakakakita sa akin...walang magagalit..hehe.



" There's nothing in all the world I need
When I have you here beside me,
Here beside me.."



Napapapikit ako habang sinusundan ang kanta. Wala lang..ang ganda kasi..minsan na rin naman ako nakakapagmuni-muni kaya lulubusin ko na.


So you could give me wings to fly
And catch me if I fall..




Napangiti nang marating nang singer ang choro nang kanta, lagi ko itong napapakinggan malapit sa may ampunan noon kaya kabisado ko na ito .Isa pa, sa tuwing napapakinggan ko ito sa radyo o kaya kung saan ay naaalala ko si Imuthis.



Kaso nga lang nakakalungkot ngayon...busy siya eh, kasama niya ang magulang niya para salubungin ang mga bisita.. wala tuloy akong kalandian-



" Oras nang trabaho nandito ka.." Napapitlag ako at napagawi sa likuran nang may marinig akong magsalita. Si Imuthis!



Napanguso ako dahil sa ginawa niya. Muntik akong atakihin sa puso, akala ko ang Señorito...yaong tatay niya..



" S-sabi ko nga, bababa na ako."



Akma akong aalis nang harangan niya ako at hinawakan sa may pulsuhan ko, marahan at masuyo. Tinignan ko iyon tsaka ako bumaling uli sa kaniya.




-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now