Chapter 17

15 4 14
                                    

Seventeen

Fight For You

" It's nice to meet you.."

~•~


"DADDY!!" Sigaw nang papalapit na bata. Ngunit kahit hindi ko man lingunin ay alam ko kung sino ang nagmamay-ari non.


Bago pa man din tumagal at mapansin nang lahat na titig na titig ako sa lalaking kaharap ko ngayon ay nauna na akong nagbaba nang tingin upang maputol ang pagtitig ko sa kaniya. Nilingon ko naman ang batang patakbo rito sa kinarorounan namin, si Kirby..



Kanina pa nga pala natapos ang bangayan nila ni Imuthis at Geof kaya nakakalas na ang mga taong nakapalibot sa kanila, ang ibang bata na narito kanina at sinasaksihan sila ay unti-unting nagsialisan na. Gayon din sila sister Mela at Hannah, tumango si Sister Mela na katabi ni Imuthis bago umalis.



" Halla siya mga bata, magsipasok na sa loob." Utos ni Sister Mela sa ibang bata at inihayo na sila papasok sa loob.
" Geof..pumasok ka rin muna sa loob." Anyaya niya kay Geof, medyo napatingin lang sa akin ang binata bago ako tanguan at sumama sa kanila.



" Daddy-" Nang makarating sa tapat ko ang batang Kirby ay bahagya siyang napatigil.
" Moma?....Momaa!" Padukwang niya akong niyakap na hindi ko inaasahan. Nagugulat pa rin ako sa lahat nang nangyayari ngayon.



Daddy?


Bakit Daddy ang tawag niya kay Imuthis? At bakit narito siya? Naguguluhan ako bagaman alam ko ang ibig sabihin ng pagtawag niya sa lalaki. Pero...paano? Paanong siya ang ama ni Kirby? Ibig sabihin ba non nakapag-asawa na siya? At may anak na sa iba? So he's one of the parent...



Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa bata at napahaplos nang kaunti sa buhok nito habang lumipat ang paningin niya ko kay Imuthis.



Bahagyang magkasalubong ang dalawang kilay niya pero hindi naman nakakabawas iyon sa hubog nang maganda at perpekto niyang muka. Hindi mukang galit ngunit seryoso.



" Hey Dad..this is my Moma." Mula sa pagkakayakap ay maliit akong hinila palapit ni Kirby sa lalaki.



Napatingin naman ako sa lalaki at simple na lamang ang naabutan kong itsura niya, walang reaksyon ngunit makikitaan ko nang kaunting pagtataka ito sa luntian niyang mga mata.




Nabalik naman ni Imuthis ang tingin ko sa kaniya at napatingin rin siya sa akin. Hindi ko alam kong bakit pakiramdam ko ay masuyong napakalamig nang hangin kahit na tirik na tirik naman ang araw.




" Nice to meet you....Moma..." Hindi kababakasan nang anong emosyon ang boses niya.




Humugot naman ako nang malalim na paghinga bago napatango at inalis ang tingin ko sa kaniya. " N-nice to meet you.."



The fuck?


Seraphima Cassanova what the fucking fuck is happening to you? Bakit ka ba nauutal?



I'm scolding myself in the back of my mind for stuttering. Biglang namayani ang pagkailang sa akin at bahagya akong pinagpawisan. Gusto ko na sanang magpaalam para pumasok na sa loob ngunit nang ibukas ko ang bibig ko ay walang anomang lumabas sa bibig ko.



Muli akong bumwelong magsalita ngunit nauna na siya. " Please excuse us. " Sambit ni Imuthis bago inabot ang kamay ni Kirby. " Let's go inside, Leon." Aniya na hindi man lang nagtapon nang paningin sa akin.



-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now