Chapter 8

22 10 5
                                    

EIGHT


FIGHT FOR YOU





***





" ONE MORE! PAKK!!" Aniya ng bekeng photographer. Ako naman ay bigay todo sa pag-pose, 'yong tipong mababalian ng katawan.





Narito na kami sa Baguio ngayon at kasalukuyan na kaming nag p-photo shoot para sa isang endorsement ng product. Mga nasa thirty minutes na ring puro click ang camera habang ako naman ay kung ano-anong pose na ang ginagawa.




" Okay! That's good Ms. Cassanova." Puri ng camera man, ewan ko kung ano ang itatawag ko rito, binabae kasi ang kilos niya pero lakas ng dating manamit.




Yaong manly ba pero may pasabog kapag nagsalita na.




" Done na tayo mga bebecakes~" natutuwang pumapalakpak ang binabae. Gayon na rin ang ginawa ng ibang mga kasamahan niya.




" Hayst, mabuti na lang talaga at si Ms. Cassanova ang kasama na'tin! I'm so happy Cassa!" Aniya tsaka nagmadaling lumapit sa akin at beniso-beso ako.




Maya-maya ay nagsalita na rin ang isang lalaking medyo may katabaan, umbok ang tiyan niya na akala mo ay buntis ng pitong buwan. Si Mangloid.




" Totoo nga ang sabi-sabi ano Sir–este ma'am Bonjing na magaling pala itong si Ms. Cassanova, talagang maaasahan!" Natutuwang aniya.





So Sir–este ma'am Bonjing pala ang pangalan niya. Ilang beses ko ng naka-trabaho ang taong ito pero patuloy kong nakakalimutan kung sino siya. Bagay na rin ang pangalan dahil muka namang Bonjing ang mga singkit na mata niya. Parang ano..




Alim Bonjing Bonjing~




Ganon, basta. Biro yan para sa mga sanggol.




Inakbayan naman ako ni Bonjing tsaka sinang-ayunan ang sinabi ng lalaking mukang buntis ng pitong buwan. " Sinabi mo pa Mangloid, sulit talaga ang oras kapag ito ang kasama na'tin. Di ba Ms. Cassanova?" Aniya sabay yugyog sa balikat ko.




Tumango-tango na lamang ako, nginitian ako ni Bonjing tsaka sabay na naglaho ang dalawa niyang mata. Magic ba.




Pigil tawa akong ngumiti pabalik. " Maliit na bagay Mangloid–este Ma'am
Bonjing. " Nahihiya at kinakabahan ako na bumaling sa kanilang dalawa. Mukang hindi naman big deal ang pagpapalit ko ng dalawa nilang pangalan kaya nawala ang kaba ko.




Maka-ilang beses ko na bang makasama ang dalawang ito?




Apat? Oo apat!




Pero patuloy ko pa ring napag-papalit ang pangalan nila. Siguro dahil sa dinami-dami na rin ng kilala kong mga producers at mga katrabaho sa ibat-ibang projects, minsan ay pare-parehas pa rila ng pangalan at palayaw.




Bumitaw na ako mula sa pagkaka-akbay at ganoon na rin ang ginawa ni Bonjing. Sunod kong ginawa ay nag-pack ako ng gamit dahil may kasunod pa ang photo shot kong ito. Iyon naman ay shooting para sa commercial ng isang soap product.




Sa pagkukumpuni ng gamit ay inalala ko ang mga linya ko, ano na nga iyon?




Ahh! Alam ko na, naaalala ko na.




“ Tapat mo linis mo? No! Singit mo linis mo! Quepoche soap!. Ito ang sabon na nararapat sa lihim mong kagubatan! ”




“ Maasim? At nanunuyot na kili-kili? E, Quepoche soap mo na yan! Fresh na, mapapamura ka pa! ”



-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now