Chapter 18

8 2 3
                                    

Eighteen

Fight For You

" Lines that connects us.."

~•~


N

ATAPOS na ang diskosyon ni Imuthis at ganoon pa rin ang pasasalamat nila Sister Mela sa kaniya. Paminsan-minsan ay tumitingin sila sa akin dahil sa mga iba pang offer ni Imuthis pero napapabaling na lang ako sa ibang direksyon o kaya naman ay napapatango.



I admit na maganda ang mga offer niya, kagaya nang pagpapalawak nitong orphanage, maganda iyon at talagang malaking tulong. Alam kong iyon ang pamamaraan niya para makapagpasamat pero... isn't it too much?...


Tulong pa ba talaga ang gusto niya o baka he just want to make Geof shut up?...Ewan...
From.. monetary donation to renovation of whole orphanage. Bibili pa nga ng lupa eh.



Grabe pala siya magpasalamat..yaong pasasalamat na nakakatuwa pero at the same time...nakakalutang at nakakaloka.


Kapag ba inuwi ko anak niya ngayon tapos binalik namin uli..

.....Aampunin niya kaya lahat nang bata rito?

Maybe he just really love Kirby..his son, of course! Sino bang magulang ang hindi mahal ang anak? At sino bang parent ang hindi susugal for the sake of their children?


'Hayysstt...just so you know Kirby, kung ano ang ikinamalas ko sa ama mo ganoon naman ang kinaswerte mo.'


Those are the words I'm thinking while I'm holding Kirby's hand, papalabas na kami nang orphanage at naglalakad na sa veranda pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Kahit sa loob kanina habang may kwentuhan pang nagaganap ay pati pag-ihi ko nauudlot dahil gusto niyang sumama. Ayaw daw niyang iwan ko siya..



" Uwi na tayu Moma! " Masiglang sabi niya nang finally nakarating na kami sa malawak na espasyo nang orphanage sa harapan na malapit naman sa may malaking gate.



Nginitian ko lamang siya nang matamis dahil doon. Sorry but I can't do that.. after all we're not connected to each other cause in reality we're just strangers.


Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya nang deretsuhan ang lahat, ipaliwanang na hindi ko siya masasamahan, ginawa ko na..But I am not that mean to do that.


All I need to do is lie...after lie...


Para matapos na ang kung ano mang naging koneksyon ko sa batang hindi ko naman talaga kaano-ano at para na rin matapos ang koneksyon ko sa nakaraan.



Muli kong naibaling ang atensyon ko sa likuran namin nang narinig kong napapaalam na si Imuthis kila Sister.
" Thank you, to all of you...for everything. I guess we'll see each other again." Paalam niya bago unti-unting humakbang at nilingon sila upang kawayan.




" O toy...bitawan mo na ang amo ko..uwi ka na." Rinig kong sabi ni Manang. Nanaman.



Naagaw niya ang atensyon ko kaya napalingon ako sa matanda na makikitaan nang ngisi sa labi, pagkatapos ay nilingon ko si Kirby na nagagalit na ang mga kilay dahil magkasalubong na. Matalim siyang napairap kay manang.




Ito nanaman po siya, opo...


Maya-maya ay hinaplos ko ang pisngi niya at unti-unti iyong napaharap sa akin, nang matungo sa akin ang mga mata niya lumamlam ang mga iyon at hindi na siya mukang naiinis. Matamis siyang napangiti.


-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now