Chapter 5

24 13 2
                                    

Five.


Fight For You

***




SOUTH P.S EMPIRE HOTEL
" A place where you can eat, sleep and trust."Ang bumungad sa akin.




Matayog at napaka-lawak ng gusali, tila nakakalula ang haba. Humugot ako ng malalim na paghinga bago humakbang papasok sa naturang building. Hindi naman na siguro ako nagkamali ng tinungo dahil sa harap ng building ay naroon ang malaking pangalan nito. Pulido ang pagkaka-ayos ng mga letra kaya ito kaagad ang bubungad sa'yo.




Kinailangan kong gumamit ng google map dahil ngayon ko lamang mararating ang lugar na ito. Kahit na kilala ang lugar na ito at madalas na nababanggit sa balita dahil isa ito sa mga magagandang Hotel sa Pilipinas. OA na kung OA pero..ayuko mawala ng landas..




Ang bali-balita ay napaka-yayaman ng mga taong nakakatapak rito at tila mga taong mahigit milyon-milyon ang pera. Kumbaga kung hindi ka milyonaryo ay hindi ka basta papapasukin rito, maliban na lamang kung may mag-imbita sa'yo kagaya ng nangyari sa'kin ngayon.





Papasok ako nang harangin ako ng isang babaeng receptionist, ang uniporme nito ay puting-puti at may kulay maroon na panyo sa leeg.



" Pasensya na ma'am, you can't enter this hotel unless someone invited you. If someone invited you then tell us your name para ma-check kung nasa list po kayo ng mga–" nainip na ako sa mga pinagsasabi ng babae at sinabi ko na lamang ang pangalan ko.





Kung patatapusin ko pa siya ay baka mainip na ng sobra ang ime-meet ko, malaking abala na ang na late ako ng higit sa isang oras at kung sumobra pa ay nakakahiya na.





" Seraphima Cassanova. " Simpleng sabi ko na lamang sanhi para napatitig siya ng saglit bago tunguhin ang counter at e check ang isang I-pod.




Maya-maya ay ngumiti itong humarap sa akin." Please follow me ma'am.." Utos niya na sinunod ko na lamang. Sumakay kami ng elevator, inabot rin ata ng mga bente sigundo bago kami lumantad sa isang malawak na dining area. Segundo bago pa man bumukas ang elevator ay tinanong ko ang babae dala ng curiosity sa utak ko.





" Uhm.. Ms. may I asked who invited me  here? Hindi ko kasi alam ang pangalan.." Tanong ko ngunit parang hibang siyang ngumiti at sinabing..




" Pasensya na po, ipinasabi po kasi sa akin na huwag ko raw po i-reveal." Aniya sabay bumukas ang elevator.



" Ayan na ma'am, hindi ko na po kayo masasamahan." Aniya ng nakangiti pa rin.



Naiintindihan ko naman iyon dahil marahil ay ganoon ang pamamalakad nila rito. Although weird dahil hindi ko talaga kilala ang ma memeet ko ngayon. Medyo kinakabahan rin ako at baka mamaya ay manyak nanaman ang makaharap ko.



Humakbang na ako papalapit sa silid at saktong bumungad sa akin ang malawak na siyudad dahil gawa sa salamin ang pader ng building kaya tanaw na tanaw ang mga nagdaraang sasakyan at mga nakakasilaw na ilaw. Nakakahilo nga lang dahil napaka-taas ng kinaruruunan ko ngayon.




Saglit lamang na pagmamasid ay napansin ko ang taong nakatalikod mula sa akin at tila pinagmasdan ang mga nakikita niya. Naamoy ko ang pamilyar na pabango, at napansin ko ang pamilyar na pigura ng likod nito. Tila ba nakita ko na siya noon.




Imuthis...




Tila nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong baka nga siya iyon dahil napakalaki ng resemblance kahit nakatalikod ito mula sa akin. Nang tignan ko ang repleksiyon niya sa salamin ay doon ko nga nakompirma na siya nga iyon.



-FIGHT FOR YOU-  Where stories live. Discover now