Gusto ko silang gayahin.

Pagkalingon ko, nakita kong umuusog ng paatras ang ibang mga bisita sa red carpet na parang nagbibigay sila ng daan rito.

Tumingin ako mula sa labas ng glass door at meron akong natanaw na isang puting kotse. Nakita ko na lumabas ang driver at kaagad niyang binuksanan ng pinto ang nasa loob. Napahakbang ako ng isang beses nang makita ko ang babaeng bumaba mula sa loob ng puting kotse. Ang babae na kanina ko pa hinihintay na dumating.

"Jhe." sabi ko sa mahinang boses

Dahan-dahan niyang inilakad ang mga paa niya sa tatlong hakbang ng hagdanan. Sunod naman ay pinagbuksanan siya ng glass door ng guard para tuluyan na siyang makapasok dito sa loob.

Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Grabe, kumikinang siya sobrang ganda. Talaga nga naman na kitang-kita ko ang ganda ng ngiti sa labi niya, pati ang ngiti ng mga mata niya.

Aminado ako na may pagkasaliwa ang kilos ni Jhe, pero ngayon mahinhin siyang naglalakad mag-isa sa red carpet.

Sa totoo lang, kung sinasabi ng mga ibang taong inlove na nagiging slow motion ang nasa paligid nila. Ako naman, pakiramdam ko naka-pass forward ang lahat ng nakikita ko. Ang mga taong nasa paligid ko sobrang bilis kung kumilos at gumalaw. Kahit ang takbo ng orasan hindi nagawang magpatalo sa bilis ng pag-ikot. At sa kabilisan na mga iyon, kami lang dalawa ni Jhe ang normal sa pag-galaw habang hinihintay ko ang paglapit niya mula dito sa kinatatayuan ko.

Narinig kong sumigaw ng malakas si Henry. Pero hindi ako nagpatinag sa boses niya dahil sa mga sandaling ito kay Jhe lang ang mga mata ko.

"YIIIEEEHH! ANG GANDA NIYA TALAGA PARA SIYANG BUHAY NA MANIKA! Nakalugay pa rin ang buhok niya pero naka-crystal corona tiara headband naman siya ngayon at nakasuot ng white quinceanera gown. Oh Vongga Divey? Kyaaaah~ enebeyen kinikilig akes! Hm-hmmm~"

Hindi ako sigurado kung sasang-ayon ba ako sa sinabi ni Henry na parang buhay na manika si Jhe. Para sakin kasi... isa siyang anghel na hulog ng langit. Anghel na kay-ganda.

Sa katunayan pa nga, halos lahat ng mga tao na andito sa loob ng restaurant sa kanya lang nakatingin. Di lang yun, mapapansin mo talaga sa kanilang itsura na sobra silang namamangha sa kagandahang taglay ni Jhe ngayon.

"I know na kung anong magandang title ang nababagay ngayon sa Girlalus ko. Princess of the amazons."

Narinig ko na sabi ni Henry at nagsalita din si Koutaro.

"Ang pangit naman nyan. Mas maganda kung white princess kasi naka-white gown siya."

"Ang Chaka naman! Oshige iteys nalang wonderful lady. Ahahaha kalerki hindi bumagay, jusko po ina!"

Habang nag-uusap sila, nakatingin pa rin ako sa maamo at magandang mukha ni Jhe habang hinihintay ang paglapit niya sa amin. Humihinto-hinto kasi siya para magbigay galang sa lahat.

Napasalita nalang ako.

"Tulad mong isang prinsesa."

Nagulat ako nang may tumapik sa likod ng balikat ko. Nilingon ko kung sino ang gumawa nun sakin, tapos napataka nalang ako nang makita ko ang ekpresyon ng mukha ng mga kaibigan. Grabeng pagtitig ng mga mata nila ang binigay sakin.

Walangyang buhay yan! Problema ng buhay nila?

Nagtaas ng kilay sa akin si Henry pagkatapos ay nagcross arms siya.

"Seryoso, papa Kurt Sha ko? Tulad mong isang prinsesa ang magandang title para kay Girlalus ko? Ang baduy nemen!" nakangusong sabi niya

Tumawa ng mahina si Aikee.

"Ang baduy nga ehehehe. Bakit naman iyon tol?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot

Nagkibit balikat naman si Seeley, "Bakit kasi hindi nalang Cinderella? Tutal naka-white dress siya ngayon." suggest naman niya

Kumunot noo si Henry, "Cinderella talaga? Walang originality? Bakit kalabasa ba ang sinakyan niya? Maniniwala pa akes kung walis ting-ting dahil iyon ang sinakyan mo papunta ditey." mataray na sabi niya kay Seeley

Dahil sa sinabi ni Henry hindi namin napigilan ang tumawa. Tinitigan naman siya ng masakit ni Seeley.

Pero agad din akong tumigil sa pagtawa nang maalala ko si Jhe. Dapat sa kanya lang ako naka-focus.

Sa kanya lang...

Nagclear throat ako at binalik ko ang tingin kay Jhe kung hihinto na siya dito samin, pero hindi pa. Sa palagay ko mga walong hakbang pa ang kailangan niya para makarating siya sa pwesto namin.

Napangiti ako nang makita kong sumulyap si Jhe sakin at nagtama ang mga mata namin.

Ilang sandali pa sa paghihintay ko ay makakalapit na din si Jhe sakin. May isa pa siyang hakbang na natitira para makasama ko na siya. Pero dahil hindi na ako makapaghintay ako nalang ang humakbang para sa kanya. Kaso nga lang, ang buong akala ko hihinto na siya sa paglalakad nang gawin ko iyon, pero hindi eh. Pinagpatuloy parin ng prinsesa ko ang paglalakad niya papunta sa tita at tito niya na nasa taas parin ng stage at habang ako naman, tinitignan siyang naglalakad na nakatalikod sakin.

Suminghap ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Sabagay kahit ganun pa man ang nangyari maghihintay pa rin ako sa kanya hanggang sa humarap na siya sakin. Dahil iyon lang naman ang paraan para mapansin niya ulit ako.

Yumuko ako. Ngumiti sa sarili at nagsalita ako sa mahinang boses.

"Parang pelikula na nainlove ako sa isang Prinsesa."

***

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now