1 : Cadets

29 2 0
                                    


BEFORE READING THIS STORY I RECOMMMEND TO READ THIS WARNING FIRST:   A warning for future readers who are planning or thinking to give this a go, i do not intend to waste your precious time reading something that you might end up disliking. Please save your time.

_________________________________________________________

SELYRA LILY



Pagod nako.



Ang salitang hinding hindi ko pwede ilabas sa bibig ko dahil natatakot ako na baka tuluyan nang bumigay ang katawan ko dahil sa sobrang pagod na nararamdaman.



"Putangina! Pagod nako, ayoko na. Gusto ko na umuwi" humahapo at hingal na hingal na bulong ng katabi ko sa sobrang pagod dahil sa kanina pa'ng paulit-ulit namin na pag takbo dito sa field.


"Another few laps, youngsters! Have some spirits!" Sigaw ni captain habang nakaupo sa may canopy na sakto lamang para sa isang tao, nakuha pa nitong uminom ng malamig na energy drink.


Kung makasabi ng another few laps naman 'tong si captain kala mo ay kasama namin siya sa pagtakbo, kami lang naman ang napapagod dito.


Napasulyap naman ako sa lalaking katabi ko na parang ilang minuto nalang ay kukunin na nang may kapal.


"Kalalaki mo'ng tao ang bilis mo hingalin sa simpleng pagtakbo lang" pabulong ko din na sagot habang patuloy na tumatakbo at binabalewala ang nararamadamang pagod.


"Ang yabang mo, normal kasi ang katawan ko hindi tulad mo" sagot ni Neon habang pabagal ng pabagal ang takbo niya kaya medyo naiiwanan ko na siya.


Normal naman ang katawan ko, normal akong tao na napapagod at nakakaramdam ng sakit. Ang pinagkaiba ko lang sa kanila ay pinipilit ko makayanan ang mga bagay bagay na nakakapagpahirap sa'kin.


"Yan kasing natitirang lakas mo sa katawan ginagamit mo pa pang reklamo kaya mas napapagod ka" sagot ko at mas binilisan pa ang takbo kaya nauna na ako sa kanya makatapos sa last lap.


"A FEW MORE STEPS! COME ON! DON'T BE A BABY!" Malakas na sigaw at pang hihikayat ni Captain sa mga natitirang tumatakbo kasama na si Neon na may isa pang lap na tatakbuhin


Si Capt. Handry Dagasa, siya ang naka assign mag train ng mga cadets ngayong taon.


Habang hinihintay matapos ang iilan pang tumatakbo ay umupo muna ako sa may kahoy na nakatumba malapit sa kawad na humaharang sa field, hindi naman ito masyadong malayo sa kaninang tinatakbuhan namin kaya maririnig ko pa rin si cap kung sakaling mag roll-call na ito.


Habang nagmamasid ay napatingin ako sa gate na hindi gaano kalayo dito sa kinauupuan ko.


Wings of The SovereignWhere stories live. Discover now