Chapter 31: Well Enough

Start from the beginning
                                    

"Sarap?" Magiliw na tanong ng mommy niya kay Alannah.

"Mm! Sarap po! Sweet po siya!"

At saka lang nag-slice ng cake ang kanyang ina, habang natulala naman si Monic sa mga ito. Naalala niya lang nung bata pa siya na puro kasambahay ang nakasama niya sa paglaki at ang nag-alaga sa kanya. Nakaramdam tuloy ng lungkot sa puso niya.

Bakit ba ganito...

"Ayan, may five slices na tayo." Nakapag-slice na ang mommy niya at nailagay na ang mga iyon sa platito. Nang umikot ito para kumuha ng tray ay natigilan ito't bahagyang nagulat sa kanya. "Monic, what's with that sad face?"

Napatingin si Monic sa ibang direksyon.

"Wala po..."

"Hey," hinawakan siya nito sa braso. "I told you, wala kang dapat ipag-alala sa tatay mo at kay Marky do'n sa kainan."

"It's not about them..." Naibulalas niya. Ugh.

"Then what is it about?" Tunog nag-aalala ang mommy niya. Nang balikan niya ito ng tingin, nag-aalala rin ang itsura nito.

Napabuntung hininga si Monic bago umamin.

"It's about you and Dad, being so nice to... Alannah." Sinulyapan niya ang bata na nakatuon pa rin ang atensyon sa cake.

"Ay, nag-seselos ka ba?" Her mom sounded amused.

"Mom? Hindi po ako nagseselos." Kontra niya in a way na parang napaka-ridiculous magselos sa isang bata, considering her age now. "Nalulungkot lang ako isipin na ang saya at tuwang-tuwa kayo ngayon sa isang bata, while I never saw the same happiness and concern from the two of you before when I was on that age—until now, actually."

Nalungkot ang itsura ng mommy niya at napabitaw sa kanya. Pero hinawakan din ulit siya nito, this time sa kanyang mukha.

"Sorry for making you feel that way, Monic... Alam ko 'yan—alam namin 'yan ng dad mo, and we regret it. Hindi man halata sa part ng daddy mo, pero nagsisisi rin siya. When you courageously left and thought of never going back home to us, at saka lang namin na-realize ang pagkakamali namin noon."

Her mom paused for a sigh, looking so much regretful.

"Masyado kasi kaming nag-focus noon ng daddy mo sa pagpapatatag sa negosyo namin na kakasimula pa lang that time—kasi iniisip namin ang future mo. Kaya hindi ka na namin halos napaglaanan ng oras—hanggang sa hindi na namin namalayan na puro sa future mo na lang pala naka-set ang focus namin, totally forgetting how you were growing up. Kaya ngayong malaki ka na, halos hindi ka tuloy namin maintindihan kung bakit hindi ka sumusunod sa gusto namin which is for your own good—still for your own future."

Bitter itong natawa, at bumitaw sa kanyang pisngi.

"Puro na lang kami future mo. Nakakatawa lang. How could we worry about your future and not mind about your present? About what you think and feel about us being your parents? Are we being parents to you in the first place?"

Pasimpleng napahugot ng malalim na hininga si Monic sa mga narinig. Hinawakan naman ulit siya ng mommy niya sa kanyang kamay.

"Monic, anak, we're happy to have you as our child. Please don't think that we are not and that we don't love you—even if your dad had said harsh things on you. Sumama lang ang loob no'n nang malaman na kaya mong balewalain ang negosyo na pinaghirapan namin para sa'yo. Naisip niya tuloy na kung naging lalaki ka lang, hindi ka magkakaganyan. But never take that seriously. Siraulo lang talaga minsan ang tatay mong 'yon, overthinking about possibilities. Hindi niya lang din alam na namana mo lang sa kanya ang pagkakaroon ng matigas na ulo at palaban na pagkatao. Ugh, kaya nahirapan akong i-handle kayo nung nagtalo kayo eh. Iyak na lang tuloy ako no'n."

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now