"K-Kanina pa kayo?" tanong ni Fhen habang nakatingin kay Jema

"Oo, kanina pa kami" si Jho na yung sumagot sakanya

Feeling ko mahal pa ni Fhen si Jema, halata naman sa mga tingin nya, hindi nya matingnan si Jen tulad ng pagtingin nya kay Jema

"Guys! Kamusta kayo dito? Okay lang ba kayo dito?" tanong ni Cy, hindi namin namalayan yung paglapit nya sa table namin

"Oo naman Cy, okay na okay kami dito" sagot ni Ced

"Good!" sabi nya sabay akbay kay Fhen, "Open yung stage oh, sinong gustong kumanta?" tanong nya samin

"Si Jema, heheheh! Sya lang naman yung maganda ang boses dito eh" sagot ni Ced

"Ayaw kong kumanta" sabi ni Jema pagkatapos tumingin sya sakin, "Babe, kantaan mo naman ako oh" pagpapacute nya sakin

Pinangdilatan ko sya pagkatapos inilapit ko yung mukha ko sakanya

"Jema naman! Ang daming tao! Nakakahiya!" bulong ko sakanya

"Dali na, kakanta ka lang naman eh..." sabi nya sabay haplos sa pisngi ko

Aaminin kong nagsitaasan yung balahibo ko dahil sa ginawa nya, bumilis din yung tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata iyon

Ano ba to?!

"N-Nahihiya ako!"

Nagbubulungan kaming dalawa ni Jema para hindi nila marinig

"Huy! Share naman dyan, ano? Sinong kakanta sainyong dalawa?" tanong ni Kyla

Tumingin ako sakanila

"Si Babe daw yung kakanta" sagot ni Jema kaya tumingin ulit ako sakanya habang nakakunot noo

Eeehh?!

"Oh, si Dean pala eh, pagbigyan mo na si Jema, kung talagang mahal mo sya gagawin mo yung lahat!" sabi ni Cy

E-Ehh kaso hindi ko naman sya mahal! 😩😫

"Babe, dali na..." pamimilit ni Jema

Napalunok ako

Hindi ako sanay kumanta sa maraming tao!

Lumapit sakin si Cy

"Tara Dean!" aya nya sakin, hinawakan nya din yung kamay ko at hinila ako palayo kila Jema

"Babe!" tawag ko kay Jema pero sinenyasan nya lang ako ng 'Go!'

Babe naman eh!! 😫😫😫

"Anong kakantain mo bro?" tanong sakin ni Cy nang makarating kami sa stage

Pinagpapawisan na ako dahil feeling ko lahat sila nakatingin sakin

Taena talaga!

"Relax Deans, hahahah! Isipin mo nalang na si Jema lang yung nakikita mo!" sabi nya

"K-Kasi--"

"Anong kakantain mo?" tanong nya ulit sakin

Huminga ako ng malalim

Lagot ka sakin mamaya Jisika!! 😤😤

"Y-Yung ano nalang, Paniwalaan mo"

Natawa si Cy

"Hahahah! Ayos yan ha!"

Pilit akong ngumiti

Kinausap nya yung banda na nasa stage, maya-maya....

"Go Deans, kaya mo yan!" sabi nya sabay tapik sa balikat ko

Shit!

Nakagat ko yung labi ko

For The First TimeWhere stories live. Discover now