CHAPTER 17:

30.3K 819 39
                                    

Tapos nang kumain ng hapunan sila Gianna at ang pamilya ni Ezekiel. Nasa loob sila ngayon ng kwarto ng lalaki kasama nya ang mommy nito dahil gusto nitong pakainin ang anak.

  "I really miss my Ezekiel."

Sabi ng mommy nito sa kanya.

  "Mukha nga po eh."

  "Hindi ko na sila naaasikaso dahil parati akong kasama ni Miguel sa mga business conference nya sa ibang bansa. At busy din ako sa trabaho ko bilang doktor at sa mga charity work. Alam kong malalaki na sila, pero iba pa din kapag may oras ang magulang sa mga anak nila."

  "May punto po kayo. Pero sa tingin ko po, kahit na masyado kayong busy na mag-asawa ay napalaki ninyong responsable ang mga anak ninyo."

Sabi ni Gianna sa mommy ni Ezekiel. Ngumiti naman sa kanya ang babae.

  "Yes, you're right iha."

  "You really have a great family Tita Alicia."

  "I do?"

  "Opo."

Napatingin sila sa dako ni Ezekiel ng marinig nilang nagsalita ito.

  "Mom?"

  "Hey Kiel, I'm here son. I think you should eat now para makainom ka na ng gamot para naman gumaling ka na. Me and your dad are so worried about you..."

Lumabas muna sya ng kwarto para bigyan ng privacy ang mag-ina. Papasok sana sya ng kwarto nya nang biglang may tumawag sa kanya.

  "Gianna."
Hala! Ano to? Meet the father na? Papa ni Ezekiel ang tumawag sa kanya.

  "Mr. Fontalejo."

  "If you don't mind, pwede ba tayong magkwentuhan?"

Sabi nito sa kanya.

  "Sige po."

Dinala sya nito sa garden ng bahay. Kinakabahan sya dahil ito ang unang beses na nakita nya ito at makakausap.

  "Wag kang kakabahan wala akong gagawing masama."

Sabi nito sa kanya. Siguro napansin nito na kinakabahan sya.

  "Pasensya na po Mr. Fontalejo."

  "Mr. Fontalejo? Just call me 'tito Miguel'."

Natatawang sabi nito sa kanya.

  "Okay po tito."

  "You know its the first time to see our Ezekiel, brought a girl here in our home, so I was really shocked when I saw you in his room, so as my wife as well."

  "Kaya po ako nandito kasi humingi po ng pabor si Ezekiel na ako na lang daw po ang magbantay sa kanya. Ayaw naman din po nya ng nurse kaya napilitan po ako, as her secretary."

  "Pabor? Ezekiel ask a favor from you? Im really quite surprised. He never did that before. And I don't know if you know this, but the very first time he handle a company, he never fired a girl as his secretary. So we thought you are special for him."

Natatawang sabi sa kanya ng Daddy ni Ezekiel.

  "Special po? Napaka impossible po iyang sinasabi nyo. Kung alam nyo lang po, para nga po kaming aso't pusa."
Hala! Bakit ko nasabi iyon? Kaunting preno naman Gianna!

Natawa na lang ang Daddy ni Ezekiel sa sinabi nya.

  "Pasensya na po sa mga nasabi ko."

Hinging pasensya nya dito.

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now