"No iha. I'm starting to like you for my son. Mukhang nakahanap na sya ng babagay sa kasungitan nya."

  "Po?"

Muling tumawa ang daddy ni Ezekiel.

  "I'm just kidding iha."
Taray te! Boto na ang pamilya sa akin! Mukhang mapipikot ako ng pamilya neto.

  "Magpahinga ka na iha, gabi na. Feel at home dito sa bahay namin."

Sabi ng daddy nito sa kanya.

  "Sige po."

Sang-ayon naman nya dito, nagulat sya nang biglang may nagsalita.

  "Oo nga iha, feel at home dahil balang araw dito ka na din titira."

Ang mommy ni Ezekiel ang nagsalita, mukhang nakikinig ito sa pinag-uusapan nila ng daddy ni Ezekiel. Lumapit na ang ginang sa asawa nito. Sweet na sweet pa din ang mga magulang ni Ezekiel sa isa't-isa. Hay! Ang pag-ibig nga naman talaga!

  "Wag mong intindihin ang sinabi ng Tita Alicia mo, nagbibiro lang yan."

  "But remember, jokes are half meant."

Sabi ulit ng ginang. Natawa na lang sya sinabi nito.

  "Aakyat na po ako."

  "Sige iha. Wag mo nang alalahanin si Ezekiel kasi pinakain ko na at pinainom ko na sya ng gamot."

  "Okay po tita. Good night po."

  "Good night din iha."

Sabay na sabi ng mag-asaw sa kanya.

Umakyat na sya papunta sa kwarto nya nang manpansin nya na medyo nakabukas ang kwarto ni Ezekiel, pumasok sya dito at lumapit sa kama nito. Muli nyang tinitigan ang mukha nito, umupo sya sa tabi nito.

  "Alam mo kung di ka lang masungit, siguro na in-love na ako sayo."

Sabi nya dito. Hay nako Gianna! Inlove ka naman talaga sa kanya eh! In denial ka lang! Kunwari ka pa. Bulong ng isip nya.

  "In love? Siguro crush. Crush? Ano ako teenager? Hay! Ano bang nangyayari sa akin kinakausap ko na ang sarili ko pati ang tulog kinakausap ko na din."

Hinaplos nya ang mukha nito, pero di nya inaasahan ang kapalit ng kabaliwang ginawa nya dahil walang ano-ano'y niyakap sya nito at nagsalita.

  "Stay here with me."

Sabi nito. Nagpupumiglas sya na makawala sa pagkakayap nito pero ayaw sya nitong bitawan.

  "Uy bitawan mo ako. Uy, gising. Nanaginip ka ata. Di ako ang unan mo."

Sabi nya dito. Pero nanatiling nakayakap ang mga braso nitonsa kanya. She feel his muscle against her skin. Damn you Ezekiel!! Sasabog na ang puso ko sa ginagawa mo. Muli itong nagsalita.

  "Stay here with me... Please."

Para syang mababaliw sa sinabi nito. Ano Gianna? Tanga lang! Simpleng english di mo maintindihan! Amg ibig nyang sabihin ay samahan mo syang matulog!!

  "P-pero?"

Dinilat nito ang mga mata at tumitig sa kanya.

  "Please..."

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. She hate to admit this but she feel secured and comfortable with his hug. Nararamdaman nya ang pintig ng puso nito at ang init ng katawan ni Ezekiel dahil sa sakit nito. Inusog ni Ezekiel ang katawan nito para makahiga sya ng maayos, wala syang magawa dahil yakap sya nito. Tiningala nya ito, mukhang payapa na itong natutulog. Mukha talagang anghel ang loko kapag tulog. Nakaramdam na din sya ng antok kaya naman pinikit nya na ang mga mata, payapang natulog at hinayaan ang sarili ma yakapin ang lalaking kauna-unahang nakasama nya sa pagtulog at yakap-yakap sya.

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now