33

240 17 10
                                    

33: Magic

“Ready ka na? Ayiii!” Nagulat ako sandali sa pagyakap ni Loraine sa braso ko. We're here in the North of Alvarez! We will be attending an open-air concert where

Crescent will also perform!

Tumango ako bilang sagot. Kumpleto na kami sa banner at light stick. I already have her light stick before pero hindi pa nga binabalik sa akin ni lolo ang ibang gamit ko.

“Siya lang talaga pinunta ko dito,” sabi ni Loriane. “But I’m also excited to see the other artists.”

Makakakita rin ako ng ibang singers sa event na ‘to.

“Thank you nga pala sa uncle mo ah,” sabi ni Trecia. “Nakalibreng sakay tayo for today!”

“Uncle mo ba o driver? Pero mukhang uncle mo,” sabi ni Gab.

None.

He’s a nobody.

“But thank you so much!” sigaw ni Cristy at hinila na nila ako pasabay sa kanila. Agad rin naman kaming nakapasok. Pero marami ng tao dito agad at medyo malayo na kami sa mismong stage.

We also booked a reservation in the nearest hotel from our location. I’m just gonna enjoy this evening! Kahit anong oras pa kami makauwi.

“Crescent! Crescent!”

I raised my lightstick for her.

In this dark night I’m sure she's going to shine.

“Ahhhh!”

Napangiti ako nang marami ng tumili at nagsigawan lalo na nong lumabas siya. She has so many fans here.

Kasali na ako don!

“Waaah!” Napalingon ako kayna Loraine and they were as excited.

“I know we get to see her everyday sa school pero shocks! Iba talaga tama niya sa akin!” sabi ni Trecia.

“Magandang gabi po!” sigaw ni Crescent at napapatakip nalang ako ng tenga ko dahil sa sobrang ingay at lakas ng mga boses ng lahat ng tao dito.

Hindi ako sanay.

Mabuti nalang nakikita ko pa rin siya kahit nasa malayuan kami.

Her smile.

She began strumming her guitar…and started to sing.

“Ang daya naman…”

Muling nagsigawan ang mga tao.

“Grabe sasaktan mo agad kami sa una mong kanta!” sigaw ni Gab.

“Ng ating tadhana…
pinagtagpo’t pinaglayo
Salamat nalang,
sa mga alaala.
Di man tayo ang nakalaan.”

Bigla namang nawala ang ngiti ko…Binawi ng realidad. The realization that she's far from me. I’m far from her. Of all these people, I just got lucky that she finally noticed me.

Nakakausap ko na siya palagi pero ang layo ko pa rin sa kanya.

I mean…bakit ko ba ‘to nararamdaman.

I’m just a fan right?

She's a star….

“If you know this song, sing with me.”

Ngumiti ako nang magsalita siya. Iba talaga ang tama niya sa akin. Ang dami naman namin. Hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang sarili ko.

She's beautiful and it's obvious that I’m not going to be her type. Andrea and Chelesea are beautiful, elegant… Kung ang dalawang yon ex niya, I have no chance.

The Silent Canvas (GL)Kde žijí příběhy. Začni objevovat