12

251 18 1
                                    

12: Chest

“Gumising ka!”

Nagising ako sa sigaw ni Elizabeth at nakita kong may mga bagong libro siyang inilagay sa study table ko. Again? kakapahinga ko pa nga lang sa daming plates, projects at portfolios na ginawa ko. Kakapahinga ko palang sa classes at exams namin. 

“Nandito ang lolo mo!”

Tuluyan akong nagising sa sinabi niya at bumangon ako agad. Bakit siya nandito? Hindi naman siya pumupunta dito, huli naming pagkikita maliit pa ako nong nawala si daddy.

He made it clear that he has nothing to do with me. Lalo na't malaman niya ang disability ko.

“Mag-ayos ka! mag-ayos ka! bilisan mo!” sigaw niya at itinutulak pa ako papuntang banyo. Nagmadali na rin ako dahil kahit naman ayaw niya sa akin…lolo ko pa rin siya.

Nang matapos ako ay tinulungan pa ako nila yaya Tin ayusin ang buhok ko. Mahaba na pala ang buhok ko. Tinali lang nila ang buhok ko ng maayos at agad na akong bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko agad si lolo.

He always exudes elegance in his style and confidence. He also carries himself with poise. I can always see a resemblance of mom in him.

“Aurora?”

Mas lalo akong kinabahan nang tawagin na niya ang pangalan ko.

Nanatili akong nakayuko hanggang sa maramdaman ko na siyang nakalapit na sa akin.

“Malaki ka na.”

Napayakap ako sa sarili ko nang magtama ang mga mata namin. He’s strict at hindi talaga kami magkakasundo.  Lalo pa’t hindi ko pa siya nakakasama.

“Are you still studying fine arts?”

Tumango ako bilang sagot. Nakita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa kinuha kong field o dahil ba sa hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagsalita.

“Sabagay pera naman ni Amanda ang ginagamit mo.” Amanda…my mother's name. “I don’t want to invest my money with the course you took, you’ll end up just like your mother, it won't take you far and it will only limit your potential.”

“Anong klase kang therapist kung hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapagsalita?” tanong ni lolo kay Elizabeth. Napatingin ako sa kanya at nakita kong tinitigan niya ako ng masama sandali.

“I’m not paying you money to just waste it. Walang kwenta binabayad ko sayo!”

Natulala ako sandali sa sinabi ni lolo. He’s paying Elizabeth? We're both paying her?!

“Hindi naman po natin kailangan madaliin ang bata–”

“Bata? haha you're funny…She's now 20!”

Madaliin? Araw-araw akong nahihirapan dahil sa kanya. Dahil sa kanila! Lolo is also part of this!

“Mahirap na rin po kasi–”

“Wala lang talaga kayong silbi!”

Napaigtad ako dahil mas lalong tumaas ang boses ni lolo.

“Your job is done, you're fired!” Napatingin ako kay Elizabeth at nakikita ko sa mga mata niya ang galit at natatakot ako dahil baka ako ang saktan niya dahil sa galit niya.

“You can keep this old and dirty house, I’m taking Aurora.”

Napalingon ako ulit kay lolo.

“You still want to be my granddaughter right?”

Bakit? bakit niya ako kukunin?

“Po–po? eh saan niyo naman po siya dadalhin, ibinilin po siya sa akin ni Fernan–”

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now