37

342 22 0
                                    

37: Present

“Ka–kanin–kanina ka pa?” tanong ko agad nang makalapit ako sa kanya. Pagkahinto ng sasakyan ay agad ko siyang nakita na nakasandal sa motor at alam kong hinihintay niya ako.

“Kakarating lang rin,” sagot niya. Tumingin ako sa likuran at paalis na rin si Ethan. Agad ko siyang yinakap.

Agad kaming sumakay ng motor at hinatid niya agad ako sa mismong building namin. Sinamahan pa niya ako sa loob.

Habang naglalakad ay bigla niyang hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

“Baka…malaman pa ‘tong relasyon natin ng lolo mo sa iba. Maybe I should court your lolo now?”

Agad akong umiling.

She doesn't know lolo.

“You lolo is kinda cool. Nong pinagpaalam kitang pumunta sa birthday ko.”

He did allow me to go. But I’m not sure if he'll like to know that I’m already in  a relationship. Si Ethan pa nga lang parang alam ko na kung anong sasabihin ni lolo sa akin.

I saw Andrea but we just walked past her. Parang hindi rin siya napansin ni Crescent.

“Dito na ba?” tanong niya nang nasa tapat na kami ng studio. Tumango agad ako bilang sagot.

“Here.”

May isinuot siya biglang earphones sa akin at binigay niya sa akin ang phone niya.

“Babalikan kita mamaya, let's have lunch together.” Nakangiti niyang sabi.

“An–ano ‘to?” I asked.

“Just listen to it. See you later Oy,” sabi niya at tumakbo palayo.

Ano ba ‘to?

It's a song and the title is Aurora.

Is this my name?

“Umagang kay ganda ah! Ganda ng ngiti natin diyan!” Napalingon ako kay Loraine.

“Have you heard Crescent’s new song?” Trecia asked.

“Aurora ‘yong title. It sounds familiar,” sabi ni Gab. “Parang pangalan mo?”

“OMG! Tapos nakita namin kayo ‘no, palaging magkasama. What’s the tea girl! Cold ba o hot?” Nakangiting sabi ni Cristy. Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko tuloy ma-play itong kanta ni Crescent. Nagulat rin ako sandali sa sinabi nila. She also uploaded this song online?

“Ganda kaya ng tono, I’m in love pero bakit Aurora! Dapat Trecia,” sabi ni Trecia. Pumasok na rin kami sa loob ng studio. I wore my apron while listening to the song and I suddenly remembered what she said last night.

“Allow me a day to express in writing everything I admire about you, Rora.”

The lyrics, the words…It’s me.

Oh God, sana hindi na matapos ‘to. I don’t want pain anymore. Sarap sa pakiramdam kung ganito ako kasaya araw-araw and only Crescent can make me feel like this.

“Oy, ang seryoso naman niyan.” Napaigtad ako sa gulat dahil may biglang kumurot sa pisngi ko. Tinanggal ko ang earphones ko at tumingin sa kanya. I looked at the wall clock and it's already 11:48 am.

“Sorry, pumasok nalang ako, wala naman na prof niyo eh,” sabi niya. Natulala ako sandali dahil nandito pa pala mga kaklase ko. “Sorry, bawal ba? Bad ba?” Tumingin ako sa kanya at umiling. Gusto ko ngang nandito siya.

“Ano ba pinapakinggan mo?” tanong niya. Hindi ko naman agad naitago ang phone niya sa likuran ko.

“Baka hindi ka makatulog niyan ah.” Nakangiti niyang sabi. “Ganda ba?”

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now